news

Filipino boxing champ Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr. captures fifth title in fourth weight division

by Rommel R. Llanes posted on February 5, 2012  STATS: 1096 Views | 34 Comments

 

Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr. wins the World Boxing Organization (WBO) Super Bantamweight Championship title against Puerto Rican boxer Wilfredo Vasquez, Jr. at the Alamodome in San Antonio, Texas, today February 5 (February 4 in the U.S.).

Photo By: Noel B. Orsal

Nakuha ni Nonito "The Filipino Flash" Donaire Jr. ang kanyang unang panalo sa 122-pound division ng World Boxing Organization (WBO) kaninang tanghali (gabi sa U.S.A.) sa Alamodome, San Antonio, Texas.

Si Donaire na ngayon ang WBO Super Bantamweight World Champion nang talunin niya para sa bakanteng WBO title ang Puerto Rican na si Wilfredo Vasquez Jr.

Ang WBO Super Bantamweight title ay binakante ng Mehikanong si Jorge "Traviesco" Arce, para bumaba ng timbang at makipaglaban sa WBO Bantamweight Championship title (118 pounds).

Sa simula pa lang ng kanilang 12-round title fight ay ipinakita na agad ni Nonito ang kanyang bilis at pagiging asintado.

Naging masyadong maingat ang kalaban ni Nonito na laging nasa depensa ngunit nakakalusot din naman ng mga matitinding paisa-isang suntok.

May mga rounds na ibinababa ni Donaire ang kanyang mga kamay para lang imbitahin si Vasquez na sumuntok at maging agresibo naman.

Kahit na may rounds na kumukunekta ng malalakas na suntok ang Puerto Rican boxer na anak ng legendary boxing champion na si Wilfredo Vasquez, mas marami namang mga pagkakataon na natataranta ito sa bilis at lakas ng mga suntok ni Donaire.

Naging agresibo lang si Vasquez bandang Round 6 at 7, ngunit bumalik sa pagiging defensive nito nung ika-walong round.

Bumagsak naman sa unang pagkakataon si Vasquez sa Round 9, nang gulatin ito ng kaliwang upper cut at patumbahin ng kaliwa ring hook punch ni Donaire.

Mabilis na tumayo si Vasquez at binilangan ng standing 8-count ng referee.

Sa Round 10 ay ipinakita naman ni Donaire ang kanyang "trademark move" na "Flash Step" na sariling bersyon niya ng pinasikat na "Dempsey Roll" ng legendary 1920's boxer na si Jack Dempsey.

Sa Dempsey Roll ay yumuyuko para makailag sa suntok ang boxer pagkatapos ay kukunekta ng kaliwa o kanang hook punch sa ulo o sa katawan, habang ang Flash Step naman ay ang palipat-lipat na fight stance o tayo ng boxer habang nagpapakawala ng kaliwa o kanang uppercut punch.

Pagdating ng Round 12 ay nagba-backpedal o panay na lang ang atras at iwas ni Donaire habang paminsan-minsang sumusuntok. Alam na kasi ng boxer na tubong-Bohol na lamang siya sa puntos kay Vasquez.

Bago matapos ang round ay sumandal pa uli sa lubid ng ring si Donaire para makipagpalitan muli ng suntok kay Vasquez na nalamangan naman ni Nonito sa paramihan ng kumukunektang suntok.

Nang matapos ang round at hubarin ang boxing glove ni Donaire, ipinakita nito sa audience ang pagdurugo ng kanyang kaliwang kamay na gamit na gamit sa lahat ng rounds sa laban niyang ito.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

34 Comments

  • 34  pacific_girl

    02/07/2012 | 01:07 AM
    Wala ako pakialam alam kung ano ang problema nila sa pamilya nya because thats personal, we watched the fight hindi ko tlaga sya gusto may mga asta syang mayabang. Given na masakit yung kanang kamay nya, still its not right na magyabang ka ng hindi pa tapos ang laban. kaya siguro yung isang judge mababa ang score nya. Kaya mga pinoy love si pacquiao kasi performance wise ibang level tlga plus nararamdaman ng audience ang kanyang humility. Pero anyway, congrats na din.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 33  josie123

    02/07/2012 | 12:34 AM
    meron bang nagawa si Donito na nakakahiya para magalit ang kanyang mga magulang. dapat pa nga siyang ipag-malaki dahil sa karangalan na ibinigay niya sa philipinas. ang ilan sa pinoy nga naman, sana pagpalain kayo kahit ganyan ang isip niyo. baka kulang lang sa ambon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 32  walakangpaki

    02/06/2012 | 04:26 PM
    di ko gusto yang nonito na yan mayabang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 31  bruhilda26

    02/06/2012 | 02:59 PM
    Yeah nabasa ko rin somewhere na sinabi or wishes ng magulang ni Nonito na sana matalo siya sa mga laban niya para maturuan siya ng leksyon.Hindi man lang sila pumunta sa pangalawang kasal ni Nonito na ginawa sa Pilipinas last year.Tinanggihan nila ang invitation ng mag asawa.Malalim ang hidwaan ng pamilyang ito.Magkaiba si Manny at Nonito si Manny ay nakatira sa Pilipinas at more than 20 million dollars ang kinikita niya tuwing may laban siya not included yon mga per pay view at iba pang commercial local man or international kaya afford ni Manny na buhayin lahat ng pamilya niya at peso ang gigastos nila.Si Nonito nakatira sa States at nasa 250 to 300 thousand dollars lang ang kita niya tuwing may laban siya at dollars ang ginagastos nila. Wala man lang bahay si Nonito sa California instead nakatira sila sa condo sa Las Vegas which is alot cheaper than Calif. I am not a mother pero kung ako ang nanay ni Nonito ako ang magpapakumbaba dahil tuwing may laban si Nonito nasa panganib siya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 30  winged_angel

    02/06/2012 | 01:56 PM
    shidax, ibang klase din kasi yung parents ni Nonito, pinagsabi pa na sana daw matalo si Nonito, na para daw sa kanila patay na si Nonito. Grabe naman yun. Kung totoo kang magulang na nagmamahal at hindi lang pera ang habol mo, I don't think you would wish harm on your children. This family problem should have really been fixed a long time ago. It is never good for everyone involved kung away ng away in public. In fairness kay Nonito, the international media has nothing but praises for him. Magalang, mapagkumbaba, at maayos daw magsalita at sumagot sa mga tanong outside the ring. They called him a true champion. I refuse to judge kung sino ang may kasalanan between the Senior and Junior. I just hope maayos na nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 29  josie123

    02/06/2012 | 12:04 PM
    Jagjof, alam natin halos lahat ng ating magulang na pinoy gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak, walang duda yun. ang sinasabi ko lang marami rin magulang maliit pa yung bata na-brain wash na sa kasasabi ng magulang na tulungan sila. magtanong ka sa mga OFW lalo na mga DH na single, kung bakit sila umaalis ng bansa, imbis na makapag-ipon para sa kanilang kinabukasan, karamihan nag-DH dahil para matulungan ang mga magulang, kung minsan pa nga pati pinsan at tiyuhin. pag nag-bigay puri hanggan langit, pero kapag hindi na, alam mo na ang mangyayari. malaking aspeto yan kaya hindi umasenso ang pinoy. Dapat sana may maipon para makapagnegosyo pero wala ubos ubos. Sorry kung may tinamaan, bato bato sa langit pang tinamaan bukol.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  bruhilda26

    02/06/2012 | 11:13 AM
    I saw Nonito Donaire sa funeral ng lola ni Rachel.He looks skinny while Rachel looks short kahit naka high na ng mataas.Medyo hindi friendly si Nonito kasi katatapos lang ang laban niya kay Montiel noon araw na iyon.May blackeye pa siya pero cute siya.In fairness kay Rachel lagi niyang tinatawag si Nonito para harapin ang mga taong dumarating pero nakaupo lang si Nonito at panay ang tingin sa iPad niya katabi ang bodyguard .Hindi ko nakita ang mga magulang o kamaganak ni Nonito na nakiramay sa lola ni Rachel.Anyway,congratulations Nonito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  shidax

    02/06/2012 | 10:33 AM
    hindi naman siguro magagalit ang magulang ni nonito kung maganda lang ang pakikitungo ng asawa nya.minamaliit lang talaga ng asawa nyang matapobre ang pamilya ni nonito.ang mga magulang hindi yan nagbibilang kung magkano ang ibibigay mo masaya na yan kahit sa anong bagay basta sinsero lang ang pagbibigay mo at maganda ang pakikitungo mo sa kanila heto kasing asawa ni nonito ang nagmamarunong sana isipin niya kung ano ang responsibilidad ni nonito sa mga magulang nya.mahiya ka naman rachel sa ginawa mo wala ka namang ginawang effort para maging boxer si nonito isipin mo nalang kaya kung ikaw ang nasa katayuan ng mga magulang ni nonito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  myrth

    02/06/2012 | 08:30 AM
    CONGRATS NONITO! WHATEVER... may mga magulang kasi na parang duty na ng anak na palagi silang sustentuhan pa kahit may pamilya na ang anak kasi nga pinalaki at pinag aral nila.tungkulin yun ng magulang kasi nag anak kayo,kung gusto ng anak magbigay,e di masaya.kung ayaw,wag nyong siraan sa mga tao.dapat kayo kayo lang magsolve problema nyo.yan naman si Paquiao kaya malapit sa masa.dahil mapera.pera ang umaandar.kaya kahit politiko nakadikit ng nakadikit.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  maulap

    02/06/2012 | 07:20 AM
    people will respect an athlete the way he plays the game and the way he was in the ring last night is a total turn-off. he could care less but he lost a fan in me last night.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  MissHugoBacungan

    02/06/2012 | 07:08 AM
    congrats nonito. OK ka 'tol, naiPANALO mo ang laban, hindi tulad ng azkals puro T ALO!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  macs5609

    02/06/2012 | 05:30 AM
    talagang ganyan mostly mga Pinoy, masama ka pag di ka nagbigay, minsan nga pag nagbigay ka ikaw pa ang masama dahil gusto na me monthly allowance na, that's his decision pag di sya nagbigay, di lahat ng tao, pare pareho, isa pa di pa naman kalakihan ang kita nya dahil ni wala syang pay per view, sa HBO, libre yan pag kasama sa package ng tv service mo, Dapat yung kamag anak huwag magalit pag walang mapakinabangan, suportahan na lang sya, lahat na lang ba magbigay sya para makarinig ng maganda, for sure, yung isang boxer dyan, kaya marami syang kaibigan, kasi dahil sa pera nya, wanna bet?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  jagjof

    02/06/2012 | 03:58 AM
    josie, kaya tinutulungan ng isang anak ang kanyang magulang, ayun ay dahil nakakita ng anak ang sakripisyo ng isang magulang alang-alang sa ikakabuti nya. Nakita ng isang anak kung gaano sinakripisyo ng isang magulang ang personal na kaginhawaan para lang makapagtapos ng pag-aaral ang isang anak. I'm sure marami ka na ding nadinig na minsan hindi na kumakain ang magulang para lang may makain ang isang anak at yung tiratira lang ang kanyang kakainin. Maghunos dili sa sinasabi mong kaya hindi umaasenso ang pinas dahil sa trait na yun. Madaming aspetong sosyal at politikal kaya hindi umaasenso ang Pinas. I dont know about your parents, pero marami akong kilalang magulang na ibubuwis nila ang buhay nila para sa kanilang anak......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  jagjof

    02/06/2012 | 03:51 AM
    josie, kaya ginagawa ng mga anak na tulungan ang kanilang magulang dahil na din pinakita ng mga magulang nila kung gaano nila kamahal ang kanilang anak. Nakita ng anak kung gaano sinakripisyo ng kanyang magulang ang kaligayahan personal para lang sa kanilang anak. Ilang beses mo na bang nadinig na kadalasan hindi na kumakain ang magulang para lang may pagkain ang kanyang anak. Kung ano ang matitira ng anak, ayun ang kakainin ng magulang. Huwag mong sisihin ang hindi sa pag-asenso ng pinas dahil sa argumento mo. Madaming aspeto ang hindi pag-asenso ng pinas, pero hindi dahil sa mga sinabi mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  josie123

    02/06/2012 | 02:46 AM
    ang typical pinoy family, maraming magulang ang ipinapasa ang kanilang responsabilidad sa anak, pag-hindi nakatulong ang anak, masama na ang anak. pustahan tayo, kapag nabalatuhan na ang mga yan, biglang mag-babago at pupurihin na si Donito. kaya ang pinoy mahirap umasenso, siguro kalahati ng OFW nag-abroad para lang matulungan ang magulang. magandang ugali yan ng anak , pero hindi niya repsonsabilidad. hindi siya dapat siraan lalo na sa media. bilib talaga ako sa abs, mahilig sila sa ganyan istorya, ginawa rin ng abs yan kay charice.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  bhellyposh

    02/06/2012 | 02:40 AM
    malabong mapalapit sa masa si donaire dahil nandiyan pa si pacquiao at kahit tumigil na sa boxing si pacquiao hindi susuportahan ng masa si donaire katulad ng pagsuporta nila kay pacquiao dahil may pagkamayabang si donaire at isama mo pa ang asawa nyang mukhang uchuserang frog.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  psych_sick

    02/06/2012 | 12:41 AM
    O magpakasal ka ulit nonito, nanalo ka nanaman e. hehe. di ko talaga magustuhan tong taong to, di ko alam kung bakit. magaling nga sa boxing, pero masyadong mayabang..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  winged_angel

    02/05/2012 | 11:32 PM
    hototguy, nagtry na siya makipagbati. In fairness sa kaniya nag reach out na siya. Galit din ako sa kaniya dati, pero I've spoken to several people in the know and they said na sinubukan na niya talaga. In fact yung parents umamin na marami silang sinabi na exaggerated. Di lang nabigyan ng attention ng media yung retraction nung tatay. I agree that parents should be respected. But let's face it, minsan may parents talaga na may deprensya din. It is a sad family story and I hope magka-ayos sila. However for now, it is a good day for Philippines Sports. Nonito is a patriotic fighter and deserves recognition for his victory.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  winged_angel

    02/05/2012 | 11:26 PM
    Congrats Nonito!!! You fought well and your interview after the fight was gracious, smart and dignified! Well done.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  shidax

    02/05/2012 | 11:20 PM
    ahhh ganoon ba!!!!e ano ngayon matuwa ako sa kanya???walang utang na loob sa magulang hindi yan dapat sinasamba....hindi man lang nahiya sa mga tao kadami ng pera nya hindi niya nabigyan ng present na kahit ano man lang ang mga magulang nya!!!buti Ok lang sa iyo nonito na minamaliit ng asawa mo ang mga nagulang at pamilya mo????siguro naman hindi ka naging ganyan kung walang suporta ang pamilya mo sa iyo noon ano???matapobre lang talaga iyang asawa mo......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About