Naging trending topic sa Twitter si Maxene Magalona noong January 29.
Ito ay dahil sa pagpiyok niya habang kumakanta sa isang production number nila ng kapatid niyang si Frank Magalona sa Party Pilipinas. Kinanta ng magkapatid ang "Pare Ko" ng Eraserheads.
Pinag-usapan sa Twitter ang naging performance ni Maxene at karamihan sa mga ito ay negatibo ang mga naging komento.
MAXENE'S SINGING ABILITY. Nag-guest nang live si Maxene sa Startalk TX noong Sabado, February 4, upang "ipagtanggol" ang kanyang sarili sa pambabatikos na natanggap niya sa social networking site.
Birong tanong ng Startalk TX host na si Joey de Leon kay Maxene kung may plano ba siyang gumawa ng recording album.
Tumatawang sagot ni Maxene: "Actually, natatawa ako sa buong issue na ito, talagang ginawang big issue siya!
"Pero ayun, wala akong planong gumawa ng recording album!
"Pero ayun, siyempre, di ba, yung tatay ko, talagang isa sa mga music legends of the Philippines?"
Ang ama ni Maxene ay ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.
Sa palagay ni Maxene, kung napanood ng yumaong ama niya ang song number nila ni Frank, ano kaya ang magiging reaksiyon nito sa nangyari?
Sagot ni Maxene, "Well, alam kong pagtatawanan niya ako. But at the same time, sasabihin lang niya is...
"You know, ang nakuha ko talaga sa daddy ko is no matter what happens, the show must go on!
"Hindi puwedeng... Kasi nung kumanta ako, alam kong nagkamali ako, e. E, tinuluy-tuloy ko na lang. Alam ko na.
"Ganun talaga dapat yun, go, go, go! The show must go on."
TRENDING TOPIC. In-expect ba niyang magiging worldwide trending sa Twitter ang "pagpiyok" niya?




0

