news

Maxene Magalona defends herself against Twitter critics: "Actually, aaminin ko, hindi po ako singer, I never said I was a singer."

by Rommel Gonzales posted on February 6, 2012  STATS: 25270 Views | 61 Comments

 

"Kung yung iba hindi nag-enjoy, yung iba natuwa, yung iba natawa, yung iba natuwa, basta lahat napasaya ko. Pero yung mga hindi naman natuwa, sorry, I'll do better next time. Pero ayun, talagang mula ulo hanggang paa, nilait nila ako at sabi nila huwag ko na daw uulitin. Pero no! Uulitin ko at kakanta ulit ako sa Party Pilipinas! Iyan yun, fighting spirit!" says Maxene Magolana about the criticisms she got for her performance on Party Pilipinas.

Photo By: Noel Orsal

Naging trending topic sa Twitter si Maxene Magalona noong January 29.

Ito ay dahil sa pagpiyok niya habang kumakanta sa isang production number nila ng kapatid niyang si Frank Magalona sa Party Pilipinas. Kinanta ng magkapatid ang "Pare Ko" ng Eraserheads.

Pinag-usapan sa Twitter ang naging performance ni Maxene at karamihan sa mga ito ay negatibo ang mga naging komento.

MAXENE'S SINGING ABILITY. Nag-guest nang live si Maxene sa Startalk TX noong Sabado, February 4, upang "ipagtanggol" ang kanyang sarili sa pambabatikos na natanggap niya sa social networking site.

Birong tanong ng Startalk TX host na si Joey de Leon kay Maxene kung may plano ba siyang gumawa ng recording album.

Tumatawang sagot ni Maxene: "Actually, natatawa ako sa buong issue na ito, talagang ginawang big issue siya!

"Pero ayun, wala akong planong gumawa ng recording album!

"Pero ayun, siyempre, di ba, yung tatay ko, talagang isa sa mga music legends of the Philippines?"

Ang ama ni Maxene ay ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Sa palagay ni Maxene, kung napanood ng yumaong ama niya ang song number nila ni Frank, ano kaya ang magiging reaksiyon nito sa nangyari?

Sagot ni Maxene, "Well, alam kong pagtatawanan niya ako. But at the same time, sasabihin lang niya is...

"You know, ang nakuha ko talaga sa daddy ko is no matter what happens,  the show must go on!

"Hindi puwedeng... Kasi nung kumanta ako, alam kong nagkamali ako, e. E, tinuluy-tuloy ko na lang. Alam ko na.

"Ganun talaga dapat yun, go, go, go! The show must go on."

TRENDING TOPIC. In-expect ba niyang magiging worldwide trending sa Twitter ang "pagpiyok" niya?

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

61 Comments

  • maryclaire

    02/06/2012 | 02:55 PM
    then why insist on singing?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About