Hindi lahat ng half-siblings ay maayos at maganda agad ang relasyon sa unang nilang paghaharap o kaya'y muling pagkikita pagkatapos ng pagkahaba-habang panahon at matagal-tagal na walang komunikasyon.
Kaya maituturing na inspirasyon si KC Concepcion lalo na sa pagkakataong nagkita at nagka-ugnayang muli ang mga kapatid niya sa ama na sina Garrie Concepcion at si Cloie Syquia Skarne.
Si Gabby Concepcion ang ama ng tatlong magkakapatid sa iba't ibang nakarelasyon ng aktor.
Si KC ay anak ni Gabby kay Megastar Sharon Cuneta; si Garrie ay anak ng aktor kay businesswoman Grace Ibuna; at si Cloie ay anak niya sa dating artistang Jenny Syquia.
Sa bagong segment ng The Buzz na "Celebrity True Stories," ikinuwento ni KC kung paano niya nakilala at kung paano sila nagkatagpo ng kanyang half-sister na si Cloie.
Sinimulan ni KC ang segment sa pagpapakilala sa kanyang sarili at sa kanyang kapatid na si Cloie.
Pagkatapos nito ay ipinakita ang isang video clip na kuha noong January 1996 mula sa dating variety show ng Megastar na The Sharon Cuneta Show, kunsaan nag-guest si Jenny kasama ang anak niya kay Gabby na si Cloie.
Mag-iisang taon pa lang noon si Cloie, samantalang si KC naman ay 10 years old.
Kitang-kita sa video nang kargahin ni KC ang kanyang baby sister.
Pero labinlimang taon ang lumipas bago nagkaroon ng pagkakataon na magkatagpo silang muli ng magkapatid.
Ito ay nang umuwi sa Pilipinas si Jenny, ang kanyang asawa at ang kanilang anak, at si Cloie.
Kuwento ni KC tungkol kay Cloie: "Ang sarap ng feeling na nakilala ko siya noong baby pa siya.
"Kasi, one year old, two years old pa lang siya noon, feel na feel ko ang maging ate.
"She was the first sister I had talaga na nakalaro ko noong baby.
"Noong time na hindi na kami nagkita ng Papa [Gabby] ko, hindi na rin kami nagkita ni Cloie.




0

