MTRCB Chairperson Mary Grace Poe-Llamanzares on former President Gloria Macapagal-Arroyo's hospital arrest: "Dahil ba sa babae siya, binibigyan siya ng konting kunsiderasyon?"

William R. Reyes
Monday, February 06, 2012 @ 05:06PM  |  9951 views

 

MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzarez on former President Gloria Macapagal-Arroyo: "Kahit nasa hospital man [si GMA]... nagdudusa 'yan, e. Kahit naman sinong tao, sabihin pang naka-hotel ka, nakakulong ka [pa rin]. Kahit na pinakamagandang hotel, nakakulong ka pa rin, di ba?"

Photo By: Noel Orsal













Sa isang bihirang  interview, naging panauhin si MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares sa programang Get It Straight With Daniel Razon ng UNTV-37 kaninang umaga, February 6.

Isa sa mga tinalakay ay ang umano'y dayaan noong 2004 national elections, na ang naging pangunahing biktima diumano ay ang yumaong ama ni Mary Grace—ang King of Philippine Movies at National Artist na si Fernando Poe. Jr.

Ano nga ba ang damdamin ni Mary Grace ukol sa ginagawang pag-iimbestiga sa mga pangyayari at sa pinaniniwalaang dapat ay nanalo si FPJ bilang Pangulo ng bansa, imbes ang naluklok na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo?

Ano rin ang gusto niyang mangyari sakaling maging klaro at opisyal ang mga tala na si FPJ ang totoong nahalal na Pangulo sa eleksiyon noong 2004?

Ayon kay Mary Grace, "Well, siyempre para sa akin, ikinatutuwa ko na rin yung mga nangyari nung mga nakalipas na araw."

Ang tinutukoy ng MTRCB chairman ay ang hindi pagkatuloy ni GMA na makalabas ng bansa upang magpagamot at ang pagkakakulong kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na may kaugnaya lahat sa naganap na 2007 elections.

Dagdag pa ni Mary Grace, "Kahit papa'no ay nandito para managot ang kung sino mang nagkasala.

"Marami pa ring lulutang sa aking isip, kasi 2007 ang pinagtutuunan ng pansin, e.

"2004 [ang elections], parang napakahirap ng sitwasyon."

Noong 2004 presidential elections nagharap sina FPJ at GMA.

"Ganito lang po yun. Siguro, kahit mahirap ay dapat gawan natin ng paraan na kahit isang lugar lang ay mapatunayan na nandaya sila.

"Kasi kung hindi natin gagawin yun, imagine, sa lawak no'n, wala man lang isang mananagot?

"Maaaring maging discouraging 'yan na baka ulit-ulitin pa sa susunod."

FPJ AS PRESIDENT. Kasama sa isipan at pansin ni Mary Grace ang isang lumabas na dokumento ukol sa iniimbestigahang kaso ng dayaan.

Aniya, "Nakalagay doon sa isang premise na, 'Therefore, it was found out that there was cheating in this particular area and in this particular [turn of events].

1  2  3  4  Next »

Related Articles

30 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name