Sa isang bihirang interview, naging panauhin si MTRCB Chairperson Mary Grace Poe Llamanzares sa programang Get It Straight With Daniel Razon ng UNTV-37 kaninang umaga, February 6.
Isa sa mga tinalakay ay ang umano'y dayaan noong 2004 national elections, na ang naging pangunahing biktima diumano ay ang yumaong ama ni Mary Grace—ang King of Philippine Movies at National Artist na si Fernando Poe. Jr.
Ano nga ba ang damdamin ni Mary Grace ukol sa ginagawang pag-iimbestiga sa mga pangyayari at sa pinaniniwalaang dapat ay nanalo si FPJ bilang Pangulo ng bansa, imbes ang naluklok na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo?
Ano rin ang gusto niyang mangyari sakaling maging klaro at opisyal ang mga tala na si FPJ ang totoong nahalal na Pangulo sa eleksiyon noong 2004?
Ayon kay Mary Grace, "Well, siyempre para sa akin, ikinatutuwa ko na rin yung mga nangyari nung mga nakalipas na araw."
Ang tinutukoy ng MTRCB chairman ay ang hindi pagkatuloy ni GMA na makalabas ng bansa upang magpagamot at ang pagkakakulong kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na may kaugnaya lahat sa naganap na 2007 elections.
Dagdag pa ni Mary Grace, "Kahit papa'no ay nandito para managot ang kung sino mang nagkasala.
"Marami pa ring lulutang sa aking isip, kasi 2007 ang pinagtutuunan ng pansin, e.
"2004 [ang elections], parang napakahirap ng sitwasyon."
Noong 2004 presidential elections nagharap sina FPJ at GMA.
"Ganito lang po yun. Siguro, kahit mahirap ay dapat gawan natin ng paraan na kahit isang lugar lang ay mapatunayan na nandaya sila.
"Kasi kung hindi natin gagawin yun, imagine, sa lawak no'n, wala man lang isang mananagot?
"Maaaring maging discouraging 'yan na baka ulit-ulitin pa sa susunod."
FPJ AS PRESIDENT. Kasama sa isipan at pansin ni Mary Grace ang isang lumabas na dokumento ukol sa iniimbestigahang kaso ng dayaan.
Aniya, "Nakalagay doon sa isang premise na, 'Therefore, it was found out that there was cheating in this particular area and in this particular [turn of events].




CALLED OUT
ALL COMMENTS
30 hototguy
29 touch_of_class
28 KapusoTayo60
27 KapusoTayo60
26 birtwal
25 MissHugoBacungan
24 milomilo123
23 ClawClown
22 bacobaco
21 halabira
20 hototguy
19 hototguy
18 hototguy
17 alaska_dor
16 Space_Ace
15 jagjof
14 wanna_change
13 bhezt_08
12 gorgeous_aleck
11 Skylec
more comments