Part 1 Jean Garcia returns to playing kontrabida: "Ngayon, ready na ulit ako na magtaray at gumawa ng gulo sa buhay ng mga bida!"

Ruel J. Mendoza
Monday, February 06, 2012 @ 07:12PM  |  183 views

 

Jean Garcia on being a Kapuso: "Magmula nang nag-start akong magtrabaho with GMA-7, never akong nakaramdam na pinabayaan nila ako. Magaganda ang mga projects na binibigay nila sa akin. Maganda ang samahan namin ng Kapuso Network and I am proud na nandito pa rin ako sa kanila."

Photo By: Noel Orsal













Marami na ang naka-miss kay Jean Garcia sa kanyang pagganap bilang kontrabida sa mga teleserye, kaya sa bagong early primetime series ng GMA-7 na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis ay balik siya sa kanyang signature kontrabida role.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Esmeralda, ang babaeng magpapahirap sa bidang si Bea Binene.

Huling gumanap na kontrabida si Jean sa telefantasya na Ilumina noong 2010.

Sa dalawang teleserye na ginawa niya noong 2011—ang Alakdana at Time of My Life—ay parehong mabait ang kanyang roles.

"Medyo nagpahinga nga muna tayo sa pagganap na kontrabida, di ba? Kaya I'm back at humanda sila!" sabay tawa ni Jean nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

"Sa totoo lang, na-miss ko rin ang maging kontrabida.

"Sa dalawang ginawa ko last year na Alakdana at Time of My Life, drama-dramahan ako na mabait, di ba?

"Ni-request ko rin naman 'yon kasi in the past, magkakasunod ang mga pagiging mataray natin.

"Naku, masakit sa dibdib! Kaya hinay-hinay muna tayo at nagbait-baitan role muna tayo.

"Ngayon, ready na ulit ako na magtaray at gumawa ng gulo sa buhay ng mga bida!

"Kaya watch out for Esmeralda! May gano'n talaga, di ba?"

BEA BINENE. Nakatrabaho na ni Jean si Bea Binene sa Ilumina noong 2010.

Natutuwa nga si Jean na nagbibida na ang tween star na "latest victim" niya sa kanyang pagbabalik-kontrabida.

Saad ni Jean, "Natuwa naman ako sa batang 'yan kasi noong ginagawa pa lang namin ang Ilumina, sobrang bagets pa sila ni Jhake [Vargas].

"Ngayon, dalagita na pala siya at si Jake ay binatang-binata na.

1  2  Next »

Related Articles

19 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name