Part 2 Jean Garcia reveals daughter Jennica wants to marry young: "Medyo nawindang ako sa sinabi ng anak kong 'yan!"

Ruel J. Mendoza
Monday, February 06, 2012 @ 07:16PM  |  30587 views

 

Jean Garcia on daughter Jennica (inset): "Sinabi ko naman sa kanya na okey lang na mag-asawa siya, pero huwag naman muna ngayon. She just turned 21 years old last December. Parang huwag naman muna kasi sayang ang mga opportunities na dumarating. Marami pa siyang magagawa sa buhay niya bilang isang single woman, di ba? Marami pang mangyayari sa career niya... Plus the fact na hindi pa ako ready na maging lola!"

Photo By: Noel Orsal













Sinagot din ni Jean Garcia ang mga katanungan tungkol sa kanyang anak na si Jennica Garcia.

Inamin ng aktres na nabahala siya sa kumalat na balitang hiwalay na ang anak sa boyfriend nitong si Alwyn Uytingco.

Pero ayon kay Jean, "They're okay. Sila pa rin.

"I guess naayos naman nila ang anumang naging problema nila.

"Alam n'yo naman ang kabataan ngayon, konting tampuhan lang ay naghihiwalay na.

"Noong lumabas yung issue na 'yon, alam ko na may pinagdaraanan silang problema.

"Pero hindi naman umabot ng matagal kasi nalaman ko na rin na sila na ulit.

"Itatanong ko pa lang kay Jen, pero okey na sila.

"Feeling ko nga, mas stronger ang samahan nila ngayon, e.

"Kahit na busy silang dalawa, they have time for their relationship.

"Jennica is taping for My Beloved and Alwyn is busy sa shows niya sa TV5.

"I always see Alwyn na dumadalaw sa bahay. Nakikita ko namang masaya ang anak ko.

"Kaya walang problema. Iyon naman ang maganda sa lahat ng ito."

Nabanggit din ni Jean sa PEP na parating uma-attend ng church services sina Jennica at Alwyn.

Ang ama ni Jennica na si Jigo Garcia raw ang nag-engganyo sa dalawa na maging active sa church.

1  2  3  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name