Sinagot din ni Jean Garcia ang mga katanungan tungkol sa kanyang anak na si Jennica Garcia.
Inamin ng aktres na nabahala siya sa kumalat na balitang hiwalay na ang anak sa boyfriend nitong si Alwyn Uytingco.
Pero ayon kay Jean, "They're okay. Sila pa rin.
"I guess naayos naman nila ang anumang naging problema nila.
"Alam n'yo naman ang kabataan ngayon, konting tampuhan lang ay naghihiwalay na.
"Noong lumabas yung issue na 'yon, alam ko na may pinagdaraanan silang problema.
"Pero hindi naman umabot ng matagal kasi nalaman ko na rin na sila na ulit.
"Itatanong ko pa lang kay Jen, pero okey na sila.
"Feeling ko nga, mas stronger ang samahan nila ngayon, e.
"Kahit na busy silang dalawa, they have time for their relationship.
"Jennica is taping for My Beloved and Alwyn is busy sa shows niya sa TV5.
"I always see Alwyn na dumadalaw sa bahay. Nakikita ko namang masaya ang anak ko.
"Kaya walang problema. Iyon naman ang maganda sa lahat ng ito."
Nabanggit din ni Jean sa PEP na parating uma-attend ng church services sina Jennica at Alwyn.
Ang ama ni Jennica na si Jigo Garcia raw ang nag-engganyo sa dalawa na maging active sa church.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 Princess_Irish18
12 Sapphire1293
11 pinay123
10 ICUM2U
9 milomilo123
8 shinin
7 gucciprada
6 randylove
5 Lokotoy
4 iam_a_tvfan
3 SimonLaplace1
2 SimonLaplace1
1 hototguy