"We're so happy. Modesty aside, she's so pretty. Looks exactly like her mom," says John Estrada (not in photo) about his newlyborn daughter Sammanta Anechka. John's wife Priscilla Meirelles (in photo) gave birth to their first child at dawn today, February 6.

Photo: Monching Jaramillo

Isinilang na ng Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles ang unang anak nila ni John Estrada kaninang madaling-araw, February 6.

Ayon sa text message na ipinadala ng actor-TV host sa ABS-CBN News reporter na si Ginger Conejero, 12:29 ng madaling-araw nang isilang ni Priscilla ang anak nilang si Anechka, na may timbang na 6.13 pounds.  

"Sammanta Anechka is her name. But I don't think we're ready to show her," sabi ni John.

Dagdag pa ng aktor, "We're so happy. Modesty aside, she's so pretty. Looks exactly like her mom."

Sa ngayon ay nagre-recover pa sa hospital ang dating Miss Earth.

Si Anechka ay ikalimang anak ni John. May apat siyang anak—tatlong babae at isang lalake—sa una niyang asawang si Janice de Belen.

Ikinasal sina John at Priscilla noong February 26, 2011 sa La Union.

ABOUT ANECHKA. Matatandaan na noong nakaraang buwan, isang baby shower ang inihanda para sa unang anak nina John at Priscilla.

Dito ay pinaliwanag ni Priscilla kung paano nila napili ang pangalang Anechka para sa kanilang anak.

Aniya, "Actually, it was pronounced as Aneka.

"We were like, you know, having a hard time to pick a name because we are so picky when it comes to that, we really wanted our daughter to have a unique name.

"And a week ago, we finally agreed that we had a common understanding with the name, we were searching through a lot of names and my husband chose Anechka.

"My husband liked the name because it is unique.

"It's actually Russian, it's a Russian name and it means–I like the fact that it symbolize–it means grace, and it's also a biblical name, it means the one chosen by God to speak."

(CLICK HERE to read related photos.)