Kinumpirma ng actress-singer na si Jessa Zaragoza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang "tent incident" sa pagitan nila ng co-star niya sa Kokak na si Sarah Lahbati.
Nabalita kasi ang pagpapaalis ng tiyahin ni Sarah kay Jessa noong pumasok ang huli sa tent sa isang taping ng Kokak, kung saan gumaganap na mag-ina sina Jessa at Sarah sa afternoon soap ng GMA-7.
Sa pakikipag-usap ng PEP kay Jessa sa taping ng Kokak sa San Juan kahapon, Lunes, February 6, ay tinanong namin siya tungkol sa isyu.
Aniya, "Nakita ko rin yun kasi nung nasa... basta somewhere may nagbigay sa akin nung...
"Ang nakita ko, yung sulat ni Nanay Cristy [Fermin], nasa Bulgar. In fairness, accurate naman."
Ano ba talaga ang nangyari?
"Accurate naman yung nakasulat," tila pag-iwas ni Jessa na pag-usapan ang pangyayari.
Pero ayon sa report na lumabas, nang pumasok daw si Jessa sa tent ay sinabi sa kanya ng tiyahin ni Sarah na para lamang daw sa kanyang pamangkin ang tent na iyon.
Inaksyunan naman daw agad ang reklamo ni Jessa at pinagbawalan na ang tiyahin ni Sarah sa taping ng Kokak.
Totoo bang banned na sa taping nila ang tiyahin ni Sarah pagkatapos ng insidente?
"Ayoko nang i-elaborate 'yan, tapos na kasi, e. Kasi okay na po kaya ayoko na ring masyadong... kasi inaksyunan rin naman ng GMA, so..." pag-iwas muli ni Jessa.
Pero nilinaw ng actress-singer na "okay" naman sila ni Sarah.
"Okay lang po kami. Pero siyempre pinagsabihan ko rin siya.
"Sinabi ko na ano, na sana walang ganun. Hindi dapat mangyari yung ganun."
PAKIKISAMA. Unang beses daw naranasan iyon ni Jessa.




0

