Sarah Lahbati apologizes to Kokak co-star Jessa Zaragoza about the "tent incident" with her aunt

Rommel Gonzales
Tuesday, February 07, 2012 @ 12:39PM  |  53785 views

 

"After the incident happened, talagang nahiya ako sa kanya. So, wala pong nag-utos na mag-apologize, ako na po ang naunang lumapit sa kanya dahil hiyang-hiya ako," says Sarah Lahbati about apologizing to Jessa Zaragoza after the "tent incident" involving the young actress' aunt.

Photo By: Noel Orsal













Nagsalita na rin si Sarah Lahbati sa insidenteng nangyari sa pagitan ng kanyang tiyahin at ang gumaganap na ina niya sa Kokak na si Jessa Zaragoza.

Sa isang taping kasi nila ay pinaalis daw ng tiyahin ni Sarah si Jessa sa tent dahil eksklusibo lamang daw iyon para sa young actress.

Pahayag ni Sarah tungkol sa insidente: "I got upset!

"Kasi ayoko na nakikita na may gulo or ayoko ring makita na affected yung family ko.

"So, all I can say is that nagkaroon ng misunderstanding, natapos na, naka-move on na lahat ng tao.

"And ang importante ngayon, maayos na lahat, wala nang isyu and masaya na lahat ng tao."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah sa taping ng Kokak kahapon, February 6, sa San Juan City.

Ayon kay Sarah, nahiya raw talaga siya kay Jessa dahil sa nangari.

"Well, after the incident happened, talagang nahiya ako sa kanya.

"So, wala pong nag-utos na mag-apologize, ako na po ang naunang lumapit sa kanya dahil hiyang-hiya ako."

Ipinaliwanag din ng StarStruck V winner ang nangyari sa kanyang tiyahin at kay Jessa.

"Kasi yung tita ko is may pagka-bingi po siya—as in bingi talaga.

"So, yung tipong pag nagsasalita, yung parang mami-misinterpret ng mga tao talaga, na parang masungit. So, ganun.

"So, nag-apologize ako.

"Hindi ko na in-explain yun kasi I'm sure na-hurt siya [Jessa], na-offend siya, so nag-apologize ako para sa tita ko, sa nangyari.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

92 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name