Richard Gutierrez anticipates more drama, twist in final week of Survivor Philippines; looks forward to acting in soaps after hosting jobs

Ruben Marasigan
Tuesday, February 07, 2012 @ 04:12PM  |  14254 views

 

Richard Gutierrez on choosing his next movie project: "Mas naging aware lang ako. Mas naging careful sa pagpili ng tamang project for me siyempre. Kailangan ko ring alagaan 'yong sarili ko. And I wanna pick and choose the right movies for me. And I think I have developed into an actor na alam ko na rin 'yong gusto ko."

Photo By: Noel Orsal













Sa pagtatapos ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ngayong linggo, excited daw ang host na si Richard Gutierrez kung sino ang tatanghaling Celebrity Sole Survivor. 

Sa February 10, Biyernes, nakatakdang malaman kung sino kina Mara Lopez Yokohama, Stef Prescott, at Betong Sumaya ang mananalo.

"Excited talaga ako!" sambit ni Richard nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, February 5. 

Paliwanag niya, "Alam mo itong mga castaways natin, talagang naghirap sila sa isla. 

"Nakita ko talaga 'yong pinagdaanan nila. 'Yong mga emotions nila. 'Yong diskarte nila.

"So, ako, nae-excite talaga ako kung sino talaga ang magiging Celebrity Sole Survivor. 

"Hanggang sa huling araw, marami pang mga drama at twist na mangyayari na siguradong ikakagulat ng lahat."

Meron ba siyang personal bet na gusto niyang manalo?

"Alam mo, bawat castaway, makaka-relate ang mga audience natin, e. 

"Ako, masasabi ko na nakaka-relate din ako sa iba sa kanila.

"Kumbaga, may mga gagawin 'yong ibang castaways na maaaring gawin ko rin. Gano'n.

"Alam mo, bumilib ako kina Maey [Bautista] and Betong. Dahil parang in the beginning of the Top 10, parang they were feeling hopeless. 

"Na parang hindi na nila kaya. Hindi na nila kayang lumaban.

"Pero yun nga, makikita mo sa larong Survivor, patatagan talaga, e.

"Kahit hindi sila nanalo sa challenges, talagang lumaban pa rin sila. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

36 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name