news

Richard Gutierrez anticipates more drama, twist in final week of Survivor Philippines; looks forward to acting in soaps after hosting jobs

by Ruben Marasigan posted on February 7, 2012  STATS: 14899 Views | 36 Comments

 

Richard Gutierrez on choosing his next movie project: "Mas naging aware lang ako. Mas naging careful sa pagpili ng tamang project for me siyempre. Kailangan ko ring alagaan 'yong sarili ko. And I wanna pick and choose the right movies for me. And I think I have developed into an actor na alam ko na rin 'yong gusto ko."

Photo By: Noel Orsal

Sa pagtatapos ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ngayong linggo, excited daw ang host na si Richard Gutierrez kung sino ang tatanghaling Celebrity Sole Survivor. 

Sa February 10, Biyernes, nakatakdang malaman kung sino kina Mara Lopez Yokohama, Stef Prescott, at Betong Sumaya ang mananalo.

"Excited talaga ako!" sambit ni Richard nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, February 5. 

Paliwanag niya, "Alam mo itong mga castaways natin, talagang naghirap sila sa isla. 

"Nakita ko talaga 'yong pinagdaanan nila. 'Yong mga emotions nila. 'Yong diskarte nila.

"So, ako, nae-excite talaga ako kung sino talaga ang magiging Celebrity Sole Survivor. 

"Hanggang sa huling araw, marami pang mga drama at twist na mangyayari na siguradong ikakagulat ng lahat."

Meron ba siyang personal bet na gusto niyang manalo?

"Alam mo, bawat castaway, makaka-relate ang mga audience natin, e. 

"Ako, masasabi ko na nakaka-relate din ako sa iba sa kanila.

"Kumbaga, may mga gagawin 'yong ibang castaways na maaaring gawin ko rin. Gano'n.

"Alam mo, bumilib ako kina Maey [Bautista] and Betong. Dahil parang in the beginning of the Top 10, parang they were feeling hopeless. 

"Na parang hindi na nila kaya. Hindi na nila kayang lumaban.

"Pero yun nga, makikita mo sa larong Survivor, patatagan talaga, e.

"Kahit hindi sila nanalo sa challenges, talagang lumaban pa rin sila. 

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

36 Comments

  • 36  BopolEngot

    02/09/2012 | 05:14 AM
    ok lang kung nautakan si kc ni mara at stef. kaso jury ang may kagagawan. nanood ba kayo o ano? biruin mo jury na naglalaro pa para sa balato. laging usapan kung sino ang deserving, ngayon may deserving pa ba jan sa top 3? ok sana manalo yang tatlo na yan kung talagang nautakan nila si kc hindi ang jury. alang wenta! tanggalin na si richard kasi kay paolo hindi nangyari yang ganyang dayaan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  BopolEngot

    02/09/2012 | 05:06 AM
    dapat tanggalin na si richard as host next season... kayang kaya sya ng mga castaways. tingin ng mga castaway sa kanya tulad lang din nila. di mangyayari ang dayaan kung ung host nagsalita agad. kahit dun pa lang sa challenge na nandaya si Mara dapat nacontrol na agad nya at hindi umabot pa na ang production ang magdecide na nandaya. malayong malayo kay paolo bediones na kontrolado lahat bawat kilos ng castaways. booo SP this season, alang kwenta. harap harapan ang dayaan. jury na naglalaro pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  wannabhe05

    02/08/2012 | 01:48 PM
    Face lang ang maayos at matino kay Richard, kaya nga madalas 'yun lang ang ipinapakita. Yung dibdib nya hanggang tyan, mataba. Yung legs naman nya payat para sa built ng katawan nya, malayong malayo sa katawan ng mga totoong tunay na lalaki o mga pang model ang dating.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  fifiandtheflowertots

    02/08/2012 | 11:10 AM
    si gino ang mastermind sa gossi ping at pointing-fingers, kasalanan na lahat ng ibang castaways, hwag lang siya. first si arnold, pero na explain ni arnold ang side niya when he became a jury..next to blame was kc dahil wala siya doon sa jury house para iexplain ang sarili niya. pero naliwanagan din ang lahat nang maging jury na rin si kc. kalokah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  fifiandtheflowertots

    02/08/2012 | 10:57 AM
    hindi fair ang last tribal council dahil naging bi as ang desisyon ng 4 remaining castaways dahil sa mga bulong at senyas ng mga jury. tsaka may isang challenge din na si mara nag c h e a t, they should have stopped it the moment the chea ting was done. anyway, di naman nabigay kay mara ang immunity necklace pero sana, the moment she chea ted, the producers should have done something right away like disqualify her from that game. ewan ko lang why they tolerate such things. nawalan tuloy ng tiwala mga tao at nawala din ang credibility sa survivor philippines. captured sa camera ang chea ting, bulungan at senyasan na nangyari.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  gossiphungry

    02/08/2012 | 09:16 AM
    gosh! move on about KC! nautakan si KC kaya sya natanggal.. thats Survivor! I am voting for Mara...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  dakilangina

    02/08/2012 | 08:18 AM
    No 29 I agree with you. Di ba once sinabi ng SURVIVOR, d ba dapat yung taong, kahit nag iisa siya sa isla is kaya niyang gumawa ng lahat ng way para mabuhay, and among them talagang si KC ang matatawag mong SOLE SURVIVOR. I don't know nawalan ng thrill ng maalis si KC, at naramdaman din naman ng jury na nagkamali sila ng inakusahan. Oo nga si Maey pangitang pangita na harapan niyang gustong tsugiin si KC, ayan tuloy ng marinig niyang explanation ni KC naguilty tuloy siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  astalavista

    02/08/2012 | 07:34 AM
    this is the worst season ng survivor...napanood ko mismo kung pano sinesenyasan ng jury ang mga castaway lalo na si maey pangit na si kc ang ivote out. kapal ng mukha mo binigyan ka ni kc ng car tapos ganyan ang gagawin mo buti kung di ka na jury pede mo xang utakan kaso tanggal ka na.. kung may delikadesa ka ibalik mo ung car na binigay ni kc.bakit naman pinayagan ang ganitong pandaraya hindi magandang ehemplo. I SWEAR KC IS THE REAL SOLE SURVIVOR.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  sk8r_boi

    02/08/2012 | 06:25 AM
    bakit kc sinisingit na naman ng alagad ni ngiwe ang endorsement na yan? alam naman ng lahat na cost-cutting ang mga companies ngayon sa pinas dahil di pa nakakabawi sa recession kaya puro mga cheapanggang epalmilya stars ang kinukuha nila. BARGAIN eh. parang ukay-ukay lang. hindi ganun ka-desperado c chard na bawasan ang TF magka-endorsement lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  sk8r_boi

    02/08/2012 | 06:22 AM
    since KC is already out, i'm rooting for STEF to get the title THE SOLE SURVIVOR.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  BopolEngot

    02/08/2012 | 06:07 AM
    dapat tanggalin na si richard bilang host ng SP kasi kayang kaya syang ibully ng mga castaways. di nila dapat pinayagan ang dayaan sa huling tribal council. wala nang kwenta na magkaroon pa ng susunond SP kung pareho pa rin ang production staff. ung season na ito ang pinakawalang kwenta sa lahat. maraming magpapatunay na fans jan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  pabima

    02/08/2012 | 05:44 AM
    Basta wag ka lang maging host next season ng Survivor you can do whatever you want!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  pinasbuzzer

    02/08/2012 | 04:32 AM
    kc should won kakokang pinoy survivor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  SimonLaplace1

    02/08/2012 | 04:19 AM
    Guapo mo Chard! Malakas ang pull mo sa Masa...tama yan balik ka sa acting. Versatile ka naman kahit san ka ilagay puede. Nabibigyan mo ng justice. Sana nga yung concept ng bagong soap mo is papatok sa masa. Kahit gano kagaling ng actors kung pangit ang kuento at script, aantukin ang fans, hehe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  AngelSIKATlocsin

    02/08/2012 | 02:01 AM
    last two movies Nya mega Flop..young valentine girls and yung horror movie nya.. Mas Sikat pa sya nung ka love team Nya pa si angel. Aminin nyo man sa hindi..period. Nahawa na rin say Kay Marian na walang endorsements ..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  chikorita_pikachu

    02/08/2012 | 01:56 AM
    sana matuloy sila ni Gabby Conception sa new Soap ng GMA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  fifiandtheflowertots

    02/08/2012 | 12:40 AM
    sayang si kc na vote out hayy! sa mga naiwan, bet ko si betong at kc. kakainis ang mga nasa jury na mga lalaki.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  lyka25

    02/07/2012 | 11:10 PM
    His next movie will be with Sarah Geronimo pala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  sitsitali

    02/07/2012 | 10:51 PM
    may pag-asa namang humusay na aktor si richard. para syang tatay nya na nagsimula sa cutey, romantic roles tapos naging award-winning actor. mas may potensyal naman sa akting ito kaysa sa ate ruffa nya na hanggang ngayon ay kulot pa rin ang dila sa pagsasalita. saw in your eyes, his movie with claudine, many weeks ago. may potensyal naman syang humusay. sana lang ay bigyan kasi ng mahusay na materyal at direktor itong si richard. malaking tulong kung makakasama nya si carla abellana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  tim1479

    02/07/2012 | 10:41 PM
    bano umarte, parang ate nya na si ruffa g. Feeling nya pwede pa siya mamili ng roles e. Duh! Laos ka na chard taba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About