"'Tulad ng sabi ko, ang hirap magkarelasyon ngayon. Basta ngayon, I'm taking my time. Pero 'tulad ng sinabi ko, kung may nakita ako na alam kong gusto ko at alam kong magtatagal... go! Pero sa ngayon, wala pa talaga, trabaho muna talaga," says Jake Cuenca.

Photo: Noel Orsal

Naiintindihan daw ni Jake Cuenca ang naging reaksiyon ng ex-girlfriend niyang si Melissa Ricks nang tuksuhin sila habang ini-interview sa birthday celebration nila sa ASAP 2012.

Nangyari ang insidente sa January 8, 2012 episode ng musical-variety show na ito ng ABS-CBN.

(CLICK HERE to read related story.)

Inamin ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon din siya ng tampo sa nangyari, pero pinili na lang niyang hindi magsalita.

"May tampo ako, may kaunting tampo, pero lumamig na yung ulo ko. 

"Basta sa amin na manggagaling kung magkakaayos kami, hindi sa TV 'coz hindi naman tama yun. 

"Maganda siguro kung magkakaayos kami in our time, in person, hindi yung pinilit dahil may camera sa harapan mo.

"Okay na yun. Alam mo, mabuti na nga rin yung hindi na magsalita.

"It's been three weeks already and ayokong gawing masamang alaala kasi birthday ko, birthday din niya, ayokong mag-isip ng nega. 

"You know, nangyari ang nangyari, ganun talaga, di ba?"

Sa panayam din noon kay Melissa ay sinabi nitong ginusto raw ni Jake na maging magkaibigan sila pagkatapos ng kanilang breakup, pero hindi rin ito nag-work out. At sa ngayon ay hindi pa siya handang makipagkaibigan sa aktor.

Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

"Nirerespeto ko yun kasi hindi naman puwedeng pilitin ang ganung bagay. 

"By all means, I tried talaga but siyempre time heals all wounds.

"Hopefully one day maging maayos. But you know, no matter what, masaya ako para sa kanya.