"Pinaghahandaan kasi ito. Sa tingin ko, hindi pa. Pag-aralan muna niya. 'Yan ang maipapayo ko sa anak ko," says Gov. Vilma Santos when asked if her son Luis Manzano is pushing through with his candidacy for mayor next year.

Photo: Noel Orsal

"I'm home! I'm home!" paulit-ulit na sambit ni Batangas Governor Vilma Santos sa inauguration and blessing ng Imperial Hotel and Resort ni Mother Lily Monteverde na matatagpuan sa Barangay Tulo, Taal, Batangas kahapon, February 6.

Bukod kasi sa nasa kanyang pinamumunuang probinsiya, at home daw ang pakiramdam ng tinaguriang Star for All Seasons dahil kahalubilo niya ang mga taga-showbiz industry.

Bago ang inauguration at blessing ay inuna munang daluhan ni Governor Vi ang isang feeding program at medical and dental mission sa Batangas.

Nagbihis lang daw siya para magmukha naman siyang artista, biro pa niya sa kanyang talumpati matapos ang blessing.

Ayon pa kay Ate Vi (tawag din kay Vilma), ang naturang araw ng blessing ay nakatakda sana para sa pakikipagpulong ng gobernadora sa 70 miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at doon nga sana gaganapin sa Imperial Hotel and Resort.

Pero minabuti ni Mother Lily na isabay na rin ang pagbendisyon sa resort dahil sa kaabalahan ni Ate Vi.

Tumatawang sabi naman ni Vilma na ilipat na lang ng araw ang pakikipagpulong niya sa AFP para mapagbigyan na rin si Mother Lily.

Mahirap din daw kasing pagsabayin ang meeting at blessing sa dami rin ng dumalo.

Ayon kay Governor Vi, isang taon at pitong buwan ding hinintay ang kanyang availability kaya itinuloy na rin ang pagbasbas sa resort ni Mother Lily.

"Kasi po humiling ako sa kanya, 'Mother baka gusto mo na mag-invest sa Batangas?'

"But if I may be honest, kulang na kulang tayo sa resorts at hotels for accommodation."

Malugod na pinagbigyan naman ni Mother Lily ang hiling ni Vilma kaya isinilang ang Imperial Hotel and Resort.

MOTHER LILY LOVES ATE VI. Sa panayam naman kay Mother Lily, inamin ng Regal matriarch na inspirasyon niya si Ate Vi dahil nakikita niya ang magandang pamamalakad nito sa Batangas.

Sagot naman dito ni Vilma, "Ang pinakamarami ko sigurong nagawang pelikula na... at nakuha ko lahat ang awards ay sa mga pelikulang ginawa ko kay Mother Lily.