Part 2 Jake Cuenca on love scenes with Shaina Magdayao in Doha: "I'm thankful to her kasi she trusted me. May tiwala siya sa akin."

Melba Llanera
Tuesday, February 07, 2012 @ 05:05PM  |  11232 views

 

Jake Cuenca on shooting in Doha, Qatar: "Mahirap, sobra kasi ang higpit dun, ang dami talagang patakaran. Ako, aaminin ko, sa personality ko na medyo sobrang free-spirited, hindi ako masyadong bumagay sa lugar na yun. Nag-in-character na lang ako, ginawa ko na lang siyang immersion. So, more or less, kinalimutan ko si Jake for three weeks at sumang-ayon na lang ako sa mga rules at nakatulong naman, nakatulong sa pagpo-portray ko naman talaga. Yung lugar kasi, ang daming patakaran, sobrang higpit."

Photo By: Noel Orsal













Nawala ng bansa si Jake Cuenca ng tatlong linggo dahil nag-taping sila sa Doha, Qatar para sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Doha.

Kuwento ng 24-year-old actor, "Kababalik lang namin nung Lunes [January 30], nag-taping kami dun for almost three weeks. 

"Trabaho talaga, hindi kami nagpunta dun para magbakasyon.

"Lalo na sa sked ko na karamihan ng mga eksena ko, dun talaga. 

"Every day akong nagtrabaho, pero hindi naman ako nagrereklamo kasi proud talaga ako sa show namin.

"Talagang proud kami na nare-represent namin yung mga OFWs and TFC [The Filipino Channel] subscribers.

"Mahirap, sobra kasi ang higpit dun, ang dami talagang patakaran. 

"Ako, aaminin ko, sa personality ko na medyo sobrang free-spirited, hindi ako masyadong bumagay sa lugar na yun. 

"Nag-in-character na lang ako, ginawa ko na lang siyang immersion.

"So, more or less, kinalimutan ko si Jake for three weeks at sumang-ayon na lang ako sa mga rules at nakatulong naman, nakatulong sa pagpo-portray ko naman talaga. 

"Yung lugar kasi, ang daming patakaran, sobrang higpit."

Marami raw bago at dapat abangan sa Doha.

"Unang-una, sobrang galing ni Shaina [Magdayao] dito, ibang Shaina ang makikita ninyo dito. 

"Saka ang makikita ninyo rito, very real ang mga stories na makikita, ang mga characters based sa mga kuwento ng mga OFWs talaga.

"So, yung mga problems na pinagdadaanan namin, based on real stories 'yan."

1  2  Next »

Related Articles

20 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name