Karel Marquez on portraying good and bad girl characters: "I guess sa akin, I just take it as a good thing na parang they can put me anywhere. Maybe because I'm versatile, I can... like some artist can do this one only, me, parang I'm open kasi to anything. Kung gusto ninyo akong maldita, sige I'll really study hard, and do na parang think of my character well and portray it well. So, 'yong shifting naman, happy lang din ako actually kasi nothing hard naman for me, kasi I enjoy the versatility, e, of doing different roles."

Photo: Noel Orsal

Masaya si Karel Marquez sa takbo ng kanyang career sa Kapatid network dahil simula nang siya'y magbalik-showbiz noong nakaraang taon, sunud-sunod na ang kanyang mga acting assignment.

Naging comeback show niya ang Babaeng Hampaslupa na pinagbidahan nina Susan Roces, Alice Dixson, at Alex Gonzaga.

Sumunod naman ang mini-serye na Sa Ngalan Ng Ina, kung saan nakatrabaho niya si Superstar Nora Aunor.

Ngayon ay kasama si Karel sa upcoming afternoon serye ng TV5, ang Isang Dakot Ng Luha. Pagbibidahan ito nina Alice Dixson, Jay Manalo, Glydel Mercado, at Danita Paner.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karel sa story conference ng Isang Dakot Ng Luha kahapon, February 7, sa TV5 Broadway Studio, sa New Manila, Quezon City.

Ayon sa aktres, sabik na niyang simulan ang bagong drama serye lalo na't ilan sa mga kasamahan dito'y nakatrabaho na niya noon.

"Actually excited ako for this, hindi naman dahil memories sa Babaeng Hampaslupa.

"Pero kasi, parang noong mini-serye [Sa Ngalan Ng Ina], 'tapos very short, walang time to really know the cast and really embrace your character na kapag umuwi ka, alam mo 'yon, the fun of being an artist...

"So, excited na may bagong pamilya na naman, kasi gano'n naman 'pag working, e, gusto mo kumportable ka sa work.

"At saka one of my passions is acting talaga, after a few months mayro'n na naman.

"So, thankful ako sa Isang Dakot Na Luha."

HER ROLE. Kontrabida si Karel sa drama serye na hindi na bago sa kanya dahil madalas ay ganito ang role niya.

Ano ba ang kaibahan ng karakter niya rito sa ibang kontrabida roles na nagawa na niya noon?

"Uhm, generally the kontrabida is the same naman—either aagawin mo 'yong yaman, aagawin mo 'yong lalaki sa buhay—basically karibal lang siya," sagot ng aktres.

Dagdag pa niya, "I guess, since iba 'yong story, iba lang 'yong pag-execute ko.