news

Kylie Padilla says she's now a "good daughter" to "bad-boy dad" Robin Padilla

by Elli Alipio posted on February 8, 2012  STATS: 1299 Views | 10 Comments

 

"Yung iba po do'n sobrang malapit po sa totoong buhay," sabi ni Kylie Padilla nang tanungin siya kung malapit ba ang ilang mga eksena sa kanyang bagong serye, ang The Good Daughter, sa kanyang totoong buhay.

Photo By: Noel Orsal

"Tawag niya sa akin ngayon, 'good daughter,'" sabi ni Kylie Padilla tungkol sa kanyang ama na Robin Padilla.

Ito rin kasi ang titulo ng bagong pinagbibidahang afternoon soap ni Kylie sa GMA-7, ang The Good Daughter.

Gaano ba siya kabait bilang isang anak?

"I don't know... I think tanungin n'yo na lang si Papa.

"Ayoko namang magsabi kung ano, masyado naman akong mayabang no'n," nangingiting sabi ng 19-year-old actress.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa press launch ng kanilang bagong serye kahapon, February 7, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Mahirap bang maging isang "good daughter" sa isang gaya ni Robin? May takot ba o hindi naman kaya'y sobrang pressure nito?

"Siyempre, kasi si Papa napagdaanan niya na yung mga ano...

"Yun nga, nakulong siya, yung naging bad boy siya.

"So siyempre, ayaw niya na kami, madaanan namin yun.

"So, may pagka-istrikto siya," sabi ni Kylie.

Matatandaang nasentensiyahang makulong si Robin ng 21 taon dahil sa kasong illegal possession of firearms. Pero tatlong taon lamang siyang nakulong dahil nabigyan siya ng Presidential Pardon noong 1998.

WHAT ROBIN SAYS ABOUT HAVING A LOVELIFE. Nauugnay ngayon si Kylie sa kapwa niya Kapuso artist na si Aljur Abrenica at diumano'y magkasintahan na ang dalawa.

Totoo bang nagbo-boyfriend na siya kahit ayaw pa muna ng kanyang ama?

Paliwanag ni Kylie, "Si Papa kasi, sabi niya, 'Kung kaya mo i-handle yung oras mo, then mag-boyfriend ka.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  hototguy

    02/08/2012 | 03:27 PM
    iba talagang mag build up ang GMA7, potential na sulutin ng ABS someday hehehe, hi Kylie! always be a good girl!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bhengot

    02/08/2012 | 01:45 PM
    maputi lang sya, kung umitim to ewanski lng
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • froxz_123

    02/08/2012 | 01:31 PM
    beautiful... simple.... good daughter.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepe2

    02/08/2012 | 10:41 AM
    she might not have the most beautiful face but definitely she a strong sex appeal. siguro sa personal iba ang dating nya. improving rin yun acting nya sa blusang itim. so sana mas magaling pa yun acting nya ngayon. may maganda nga yun mukha ng ate nya na si quennie ngunit kulang sa acting at ngayon devout muslim na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    02/08/2012 | 09:23 AM
    no arrival, walang dating. magaral kana lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • prettyme4sure

    02/08/2012 | 08:54 AM
    anak k lang ni binoe, yun lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    02/08/2012 | 08:48 AM
    hindi siya yung super ganda pero may appeal siya. parang anne curtis na may imperfection sa mukha pero carry lang dahil may dating. ano na ba ang next project ni jackie rice? sana makita ko siya sa legacy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sk8r_boi

    02/08/2012 | 08:20 AM
    i dunno why pero hindi ako nagagandahan sa kanya. pasalamat na lang sya puro magagandang projects binibigay sa kanya. lipat na lang sya sa channel 2, please lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tsismosaako

    02/08/2012 | 08:09 AM
    may mali sa mukha nya.yung bibig.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    02/08/2012 | 08:01 AM
    Very beautiful!!!I like this girl.Pangalang teledrama na sya ulit ang bida.At aired na din yung BROKEN VOW ang pangalawang teledrama ni Bianca King.Si Jackie Rice na lang ang hinihintay ko ulit after SISID na ang galing galing nya din at bagay na bagay sila ni Dominic Roco.Hindi nagkamali ang GMA sa pag-launch sa kanilang tatlo na sabay sabay.They did a good job for their each role as lead star.Sana tuloy tuloy dahil lahat panalo sa ratings!Goodluck Kylie!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About