Dumating si Mark Bautista kasama ang isang non-showbiz girl sa Skin: The Talent Agent's Organization (TAO) Party na ginanap kagabi, Pebrero 7, sa Genting Club, Resorts World Manila.
Agad itong napansin ng press at tinanong kung ang kasamang babae ba ang kanyang "special someone" ngayon.
Pero paglilinaw ni Mark, "Hindi, may kasama akong mga kaibigan na nag-invite sa 'kin dito.
"Uhm, hindi ko alam kung anong nangyayari dito at nagugulat na lang ako na ganito pala kalaki na event 'to."
Wala raw dine-date sa ngayon si Mark.
Ang pagdalo raw niyang iyon sa party ay maituturing niyang isang "group date."
Pero paano siya sa darating na Araw ng mga Puso? Sila pa rin ba ng mga kaibigan niya ang makaka-date niya?
"Hopefully sila pa rin iyong mga makakasama ko sa Valentines.
"Hindi pa rin ako nakakapagplano sa Valentines, so hopefully hindi malamig ang Valentines ko," sagot ng singer-actor.
Matagal na ring walang napapabalitang girlfriend o nililigawan si Mark.
Ang pinakahuli ay ang pagkaka-link niya sa kasamahan niya sa Party Pilipinas na si Solenn Heussaff. Pero agad naman niya itong itinanggi sa isang interbyu. (CLICK HERE to read related article.)
Nanindigan din si Mark na hindi niya prayoridad sa ngayon ang kanyang lovelife.
Bakit matagal na siyang "loveless"?
"Gusto ko pa ngang tagalan, e, para, alam mo 'yon, marami pang sasabihin sa 'kin," pabiro niyang sagot.
Pero dagdag niya, "Puwede namang maging inspired kahit walang pag-ibig, 'yon, puwede 'yon, posible 'yon."




0

