news

Enrique Gil on reported 'secret relationship' with Erich Gonzales: "Medyo niligawan, pero walang nangyari. Di ko lang natuloy."

by Melba Llanera posted on February 8, 2012  STATS: 30895 Views | 16 Comments

 

"That's not true. Nung nag-Shoutout kami, naging magkaibigan kami, close friends. Naging crush ko siya. Medyo niligawan, pero walang nangyari. Hindi naman nabasted, hindi ko lang natuloy," says Enrique Gil when asked if he's in a secret relationship with Erich Gonzales.

Photo By: Noel Orsal

Isa si Enrique Gil sa mga masuwerteng baguhang artista ng ABS-CBN na hindi nawawalan ng proyekto. 

Hindi pa man natatapos ang Budoy, heto's sinisimulan na niyang gawin ang You're Always in My Heart.

 

Isa rin siya sa cast ng pelikulang The Reunion; kasama sina Enchong Dee, Xian Lim, at Kean Cipriano.

Dahil sa sunud-sunod na proyekto ni Enrique, sinasabing isa yata sa siya paborito ngayon ng Kapamilya network.

Kasunod nito ay ang espekulasyon na baka may maimpluwensiyang kinakapitan daw ang batang aktor kung kaya't hindi siya nawawalan ng proyekto.

HARDWORK PAID OFF. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam si Enrique noong nakaraang Linggo, February 5, sa set ng ASAP 2012.

Kinunan namin siya ng kanyang pahayag tungkol sa bulung-bulungang ito sa showbiz.

Aniya, "Hindi naman. Nung time na nagsisimula ako, super-nawalan din ako ng mga shows.

"Dapat kasama ako, 'tapos maka-cancel yung role ko, yung character ko. 

"Ang inisip ko nun, baka hindi pa oras. May reason si God. That there's something new and better to come. 

"Kung gagawin mo nang maayos ang trabaho mo, makikita nila yung galing mo. 

"Siguro yung hardwork ko, yung paghihintay ko is slowly paying off.

"At sana... sana dire-diretso lang."

MOST CHALLENGING ROLE? Kontrabida ang papel ni Enrique sa Budoy bilang si BJ.

Para sa young actor, pinaka-mapanghamon ang kanyang karakter bilang BJ sa lahat ng kanyang mga nagampanan na.

"Sa akin, ito na yung pinaka-demanding na role na na-portray ko sa career ko. 

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  greatness

    02/09/2012 | 01:03 PM
    No 13, obvious naman na fanatic GMA7 kaya di mo sya kilala.Well FYI, Enrique Gil is one of the young hot male leading man of ABS. Although he's new, may depth ang acting niya. Parang ngang beterano kung mag acting. Very effective ang potrayal niya as kontrabida ni Gerald sa Primetime teleseryeng Budoy.So he truly deserves all these projects. More power Enrique!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  jthreer

    02/09/2012 | 12:36 PM
    quality tlaga ang abs pagdating sa mga teleserye, kaya nga sinusundan namin d2 sa tfc ang budoy...17
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  superbeki

    02/09/2012 | 10:58 AM
    of all the beautiful girls sa network mo mamang, si erich pa?? baka pag nag LQ kayo nyan , muramurahin ka hihihihi
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  oskieness

    02/09/2012 | 10:14 AM
    promise d tlga sya kasikatan...d ko sya kilala..auko nmng sabihing the who...pero mas kilala ko pa si MELAI sa knya..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  AyvhieGatcha

    02/09/2012 | 08:16 AM
    He's a really really a good actor, and he deserves everything. Super talented and mabait. Tignan na lang natin at abangan ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo. Nagclick naman ang tambalan nila sa Way back Home at muli silang pinagkatiwalaan ng management. And sana po wag tayong magjudge ng tao na nababalitaan lang natin na gnun ganyan, kung ano ano na po sinasabi natin. At lahat ng ginagawa niya nakikita naman natin na pinaghihirapan niya ang lahat kaya siya naging ENRIQUE GIL.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  petiteclau

    02/09/2012 | 05:18 AM
    he's really a good actor pero di bagay kay kathlyn
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  petiteclau

    02/09/2012 | 05:16 AM
    Hes a good actor pero di sya bagay kay Kathlyn masyadong bata para sa kanya pwede sana kay Erich pero may Enchong na syang ka love team...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Libertad

    02/09/2012 | 12:18 AM
    He's a very good actor.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bessie31

    02/08/2012 | 11:16 PM
    Hindi siya Da Who. He is Enrique Gil who is making a big splash in showbiz because of his talent and good looks. Go Enrique!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Brixbrixbrix

    02/08/2012 | 10:12 PM
    Einstein... may tv ka ba? o nanonood ka ba ng ABS-CBN? O sadyang wala ka lang ibang alam na comment kundi da ho? Enrique deserves everything that he is getting now. He is a very good actor and dancer.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    02/08/2012 | 09:10 PM
    da who...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kaili

    02/08/2012 | 08:54 PM
    This guy marunong mamili ng kung sino susunod nyang popormahan. lol. So nung kasikatan ni Erich tri-nay nya din pala itong pormahan??? lol. Last I heard si Kathryn Bernardo na naman daw balak pormahan. Hay nakuuuu. Umaariba ang lolo. Iba talaga pag gustong sumikat at gusto talaga madikit ang name sa silat. It paid off for him at finally napansin narin sya. Sana wag e exploit ang kabataan ni Kathryn kasi ang bata pa nya. Dun lang sana si Enrique sa ka level nya. Pilyong batang to.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • AngelSIKATlocsin

    02/08/2012 | 06:19 PM
    Mahal sya ni deo endrinal..pinagsabayj sila ni paulo avelino..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • fANNEatic

    02/08/2012 | 05:37 PM
    hay naku ang kapal kapal talaga ng face ni gab valenciano.. si coleen ang next na bibiktimahin ng hinayupak na pagkagwapo2x na lalakeng eto lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • fANNEatic

    02/08/2012 | 05:30 PM
    i like him.. he is a good actor
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cottonkloud

    02/08/2012 | 05:11 PM
    gustong gusto ko yong character nya sa Budoy ang galeng!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About