"You know, when I talk to him, the more I get to know him, mas less nagiging issue sa akin ang age difference namin because we can talk to each other 24 hours straight," says Grace Lee about President Noynoy Aquino, who admitted recently that he's seeing the TV personality.

Photo: Noel Orsal


Mahigit isang buwan na ring napagkikita na lumalabas si Pangulong Noynoy Aquino kasama ang napapabalitang "apple of the eye" niya ngayon, ang TV-radio host na si Grace Lee.

Sa mga pagkakataong ito, ayon kay Grace, marami na rin siyang nadiskubre sa pinakakilalang bachelor ng bansa ngayon.

Inilahad niya ang ilan sa mga ito sa ekslusibong panayam ni Luchi Cruz-Valdez para sa programang Journo ng TV5, na ipinalabas kagabi, February 7.

Sabi ng dalagang Koreana, "You know why the public loves him so much? I don't think we've ever had a president na ganyan ka-love ng mga tao.

"You know, it's not difficult to understand because even when it comes to his security, he's number one rule is to not inconvenience the citizens because of him."

HOW DID IT START? Nang sabihin ni PNoy sa isang press conference na, "Yes, we're [Grace and I] are seeing each other," marami ang naging interesado kung kailan ito nagsimula.

Bago pa man lumabas-labas ang dalawa, naging laman na noon ng balita ang pagtawag ni PNoy kay Grace ng "guapa" sa inagurasyon ng power plant na Korea Electric Power Corporation sa Cebu.

(CLICK HERE to read related article.) 

Pero tila nagsimulang mas maging personal ang kanilang pagkakakilala nang batiin ng Pangulo si Grace ng "Happy New Year" sa pamamagitan ng text message.

Sabi ni Grace, "Like any normal guy, he just texted me, greeted me 'Happy New Year.'

"That's how it started, very simple.

"He's a simple person."

Hindi raw binigyan ni Grace ng anumang kulay ang mensaheng ito.

Pero pag-amin niya, "I was flattered and I was surprised at the same time because he's the President.

"I was like, 'Oh, he's texting me 'Happy New Year.'