news

Jay-R on settling down with Krista Kleiner: "Kapag ready ka na, e, di gagawin mo na, di ba? I'm not putting a time limit."

by Demai G. Sunio-Granali posted on February 9, 2012  STATS: 645 Views | 3 Comments

 

Magtatatlong taon na ang relasyon ni Jay-R sa nobyang si Krista Kleiner. Bagamat lalong lumalalim ang kanilang pagsasama ay wala pa naman daw silang balak na magpakasal. Ani Jay-R, "You know, sana in the future for sure. Pero ngayon, ano lang, I just really wanna put out her album, take care of her career, take care of my career, and you know, when it's stable na, then maybe we can settle down, hopefully. I'm praying for that."

Photo By: Jerome Ascano

Setyembre noong nakaraang taon nang ianunsiyo ng RnB [Rythm and Blues] singer na si Jay-R ang paglipat niya sa Stages Talent Group, na pinamumunuan ng stage actor turned talent manager na si Carlo Orosa.

Ito ay matapos mapaso ang kontrata niya sa ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria, na siyang nagsilbing manager niya sa loob ng pitong taon.

Nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Skin party ng Talent Agents' Organization (TAO) noong Pebrero 7, itinanggi ni Jay-R na may hidwaan umano sila ni Arnold kung kaya napilitan siyang lumipat sa ibang management group.

"Hindi naman, wala. Bakit may tsismis ba na gano'n? Wala, wala naman, wala," pilit na paglilinaw niya.

Ayon sa OPM "Prince of Soul," isang hakbang lamang ito upang mapagbuti ang kanyang career, at sa ngayon, tila maganda at maayos naman ang nagiging resulta ng kanyang desisyon.

"Oh, it's been great!

"Ang daming projects na pumapasok and we're cooking up a lot of collaborations and a lot of new music for this year—dito at sa ibang bansa—so excited na 'ko."

INTERNATIONAL CAREER. Ang Stages ang nagbigay-daan sa ilang singers, tulad ni Christian Bautista, na nakilala sa ibang bansa sa Asya gaya ng Indonesia, Malaysia, at Singapore.

Umaasa ba si Jay-R na maabot niya rin ang international success tulad ng kay Christian?

"You know, ever since naman, e, ever since I came to the Philippines, I've always wanted to and I'm still working on it.

"It's been a long, long process, you know. Pero I feel like I'm getting there, konting-konti, you know, slowly but surely.

"I'm just gonna keep going for it, and I hope Stages is gonna help me with that and everything, so we'll see what happens in the future."

Sa mga bansa sa Asya, mayroon ba siyang partikular na target na nais niyang makagawa ng pangalan doon?

"Not really. Really my focus is changing the music industry dito sa Pilipinas, especially for RnB because, you know, it's so underrated here.

"I want to make a difference sa music scene dito sa Philippines."


HIS NEXT ALBUM. Sa ngayon ay nakatutok si Jay-R sa pagtapos sa kanyang album na nakatakdang lumabas ngayong taon.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • superbeki

    02/09/2012 | 07:16 PM
    me too. love them both. sayang lang ndi sya nanligaw kay kyla. meron kc siyang gf dati eh..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sk8r_boi

    02/09/2012 | 03:14 PM
    he's my idol in the music industry. along with kyla. that's why i love party pilipinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • superbeki

    02/09/2012 | 10:33 AM
    live in na sila eh, saka na kasal... mukha naman mabait itong new gf nya. sayang lang ung dating gf nya, more than 10 yrs sila, pero naghiwalay ren..... sayang yun anoh!!!! hayyyy jayr sana si krista na talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About