Talent manager Shirley Kuan (main photo) hosted an intimate press conference last night, February 8, to refute the claims of columnist Dolly Anne Carvajal (inset) in her article titled "Carmina walks out on ad shoot with Claudine."

 

The latter is a talent of Shirley.

Photo: Melo Balingit / Sany Chua

Humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang talent manager na si Shirley Kuan kagabi, February 8.

Si Shirley ang tumatayong talent manager ng aktres na si Claudine Barretto.

Si Claudine at ang actress-TV host na si Carmina Villarroel ang naging topic sa artikulong isinulat ng kolumnistang si Dolly Anne Carvajal sa Philippine Daily Inquirer noong January 29, 2012.

Ayon kay Dolly Anne, nag-walk out diumano si Carmina sa commercial shoot na ginawa nila ni Claudine para sa isang milk product. Ito ay matapos daw mapuno si Carmina sa demands ni Claudine.

Sa naunang panayam kay Carmina, mariing pinabulaanan nito ang isinulat ni Dolly Anne. Wala raw insidenteng ganun na naganap.

(CLICK HERE to read related story.)

Maging ang ad agency na humawak ng TV commercial ng produktong in-endorse nina Claudine at Carmina ay pinabulaanan ding may ganung pangyayari.

Hiniling pa nilang itama ni Dolly Anne ang "misinformation" na isinulat nito sa kanyang artikulo.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero sa parte naman ni Dolly Anne, naninindigan siya sa kanyang isinulat.

Ayon sa columnist-showbiz talk show host, "That's their prerogative. Of course they have to do damage control and protect their endorsers."

(CLICK HERE to read related story.)

CHECK YOUR FACTS. Present daw si Shirley Kuan sa pinag-uusapang commercial shoot nina Claudine at Carmina.

Sa pagkakatanda ni Shirley ay nangyari ang TVC  shoot na iyon mga tatlong taon na ang nakalilipas.