Talent manager Shirley Kuan (main photo) hosted an intimate press conference last night, February 8, to refute the claims of columnist Dolly Anne Carvajal (inset) in her article titled "Carmina walks out on ad shoot with Claudine."

 

The latter is a talent of Shirley.

Photo: Melo Balingit / Sany Chua

Pero sa pagkakataong ito, siya pa ang nagpatawag ng presscon dahil daw sa paniniwala niyang ang mali ay dapat itama, personal siyang nagsalita para itama ang umano'y maling nasulat. 

May plano ba silang gawing hakbang kaugnay ng isinulat ni Dolly Anne?

Sagot ni Shirley, "Sa akin, to tell the truth, let the public see for themselves who got more credibility in terms of this story.

"To this date, wala naman sigurong dapat idemanda.  

"Tama na, busy na ang korte natin ngayon."

Ano ang inaasahan niyang mangyari ngayon pagkatapos niyang magsalita?

"Sa akin lang, to make a point. Na hindi porke you're writing a column in a reputable broadsheet, e, kailangan paniwalaan ka.

"Kasi ngayon that I'm airing our side na hindi totoo yun, matalino na ang Filipino.

"Nag-iisip ang mambabasa natin. Hindi porke at sinulat n'yo, maniniwala. That's such a disservice to your readers.

"I'm not here to pick up a fight. I'm just here to air my side.

"But I'm not the type who will back out from a fight either if there would be one. 

"So, you know... very sarcastic ang article niya. Kinorek na nga siya, sarcastic pa. 

"Ang sabi pa niya, to the Lactum people, 'I'm lactose-intolerant. You can milk this for all its worth.'

"Well, Dolly Anne, we surely understand you're lactose-intolerant because, obviously, milk does not mix well with alcohol," pasaring ni Shirley sa kolumnista at showbiz talk show host.

MALICE. Ayon pa kay Shirley, nang lumabas ang naturang artikulo ni Dolly Anne ay nag-react na raw agad si Carmina na hindi yun totoo.