Talent manager Shirley Kuan (main photo) hosted an intimate press conference last night, February 8, to refute the claims of columnist Dolly Anne Carvajal (inset) in her article titled "Carmina walks out on ad shoot with Claudine."

 

The latter is a talent of Shirley.

Photo: Melo Balingit / Sany Chua

Puwedeng tapos na raw sana noong araw rin na yun na nagkataong may press conference si Carmina.

"Sana, sana, di ba? 

"Ako naman, kasama niya [Dolly Anne] si Zoren."

Ang tinutukoy ni Shirley ay ang co-host ni Dolly Anne sa Paparazzi na si Zoren Legaspi, na partner ni Carmina.

"Nandiyan si Carmina, she knows the number. Kapag may mga gusto siyang tanungin, she easily calls Carmina. 

"'Eto may story, headline. Akala mo nangyari lang last week. 

"The way she presented the story was parang last year lang nangyari."

Sa tingin ba ni Shirley ay may "malice" sa pagkakasulat ng naturang artikulo ni Dolly Anne?

"Of course there's malice," mabilis niyang tugon.

"Do you think there's absence of malice? Can I ask you?

"Of course there was malice. 

"Because if you are... if you have no malice at all, dapat katiting na tawag lang, e. Pick up your phone and check." 

Magkaibigan ba silang dalawa ni Dolly Anne?

"Hindi. Pero hindi rin naman kami magkaaway. But we're not the best of friends. I don't even know her number," sagot ni Shirley.

CLAUDINE IS STILL CLUELESS. Ayon kay Shirley, wala pa raw sigurong ideya ang alaga niyang si Claudine na may ganito palang isyu sa kanya.