May pagka-"bad boy" ang karakter na ginagampanan ni Rocco Nacino sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang The Good Daughter.
Kaya naman bilang bahagi ng kanyang role ay nagpatubo ng bigote ang young actor.
Sabi pa ni Rocco tungkol sa kanyang role, "Mapang-asar ako dito kay Bea, kay Kylie [Padilla].
"Pero very excited po ako dito, sa role ko. Kakaiba.
"Katulad nga ng sinabi ni Direk Mike [Tuviera], kakaibang Rocco ang makikita ninyo rito.
"I feel very challenged and excited to play the scene na gagampanan ko.
"And I would take it as a compliment if someone would come up to me and slap me in the face.
"Kasi, gusto ko talagang marating na bad boy talaga ako dito."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa presscon ng The Good Daughter noong Martes, February 7, sa 17th floor ng GMA Network Center.
NEW LEADING LADY. Sa unang pagkakataon din ay itinambal si Rocco sa young actress na si Kylie Padilla.
Pero hindi naman masasabing "strangers" sila sa isa't isa dahil madalas daw silang nagkakasama sa gym.
Kuwento ng StarStruck alumnus, "Masayang katrabaho si Kylie.
"Nagkikita rin kami sa Muay Thai so we always talk about it.
"It's nice kasi si Direk Mike, he always sits down with me and Kylie. Pinag-uusapan namin ang character namin.
"So through that, kahit na nagte-taping kami, nagwo-workshop pa rin."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
5 redd
4 Paradigm
3 thelostreasure
2 purplebaguiocats
1 soy_tu_duena