Marian Rivera on Ducati (motorcyle) gift to boyfriend Dingdong Dantes last Christmas: "Basta ako, ibinigay ko yun dahil gusto ko, para mapaligaya ko... At lagi kong sinasabi, pera lang 'yan, madaling kitain. Pero yung happiness na nabibigay mo sa isang taong mahal mo, walang kabayaran yun. At kung anuman yung love ko kay Dong, priceless yun. Kahit pagsama-samahin ko pa lahat ng ginagawa niya sa akin, yung ipinapakita niya sa akin, walang katumbas talaga."

Photo: Noel Orsal

Sa presscon ng My Beloved noong Martes ng gabi, February 7, isa sa mga tinanong sa female lead ng serye na si Marian Rivera ay tungkol sa mamahaling Ducati motorcycle na iniregalo niya sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes noong Pasko.

May iba kasing nagre-react kung bakit ganun daw kamahal ang regalo niya kay Dingdong samantalang hindi pa naman sila mag-asawa.

Sabi ni Marian tungkol dito, "May kanya-kanyang opinyon, may kanya-kanyang idea.

"Kung hindi man maganda para sa kanila o maganda para sa kanila, okay lang yun.

"Binibigyan ko sila ng kalayaan para sabihin kung ano ang gusto nila.

"Basta ako, ibinigay ko yun dahil gusto ko, para mapaligaya ko...

"At lagi kong sinasabi, pera lang 'yan, madaling kitain. Pero yung happiness na nabibigay mo sa isang taong mahal mo, walang kabayaran yun.

"At kung anuman yung love ko kay Dong, priceless yun.

"Kahit pagsama-samahin ko pa lahat ng ginagawa niya sa akin, yung ipinapakita niya sa akin, walang katumbas talaga.

"At alam naman ninyo 'yan, vocal naman siya sa akin, so happy na ako dun."

VISIT TO DIREK MAC. Nausisa rin si Marian tungkol sa pagbisita niya kay Direk Mac Alejandre sa taping ng mini-serye ng TV5 na Nandito Ako, na pinagbibidahan ng international singer na si David Archuleta.

Si Direk Mac ang direktor noon ni Marian sa epic-serye ng GMA-7 na Amaya. Nasa bakuran na ng TV5 ngayon ang direktor.

"Big issue ba? Bakit daw?" nagtatakang tanong ni Marian nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito.

Pagkatapos nito ay ikinuwento niya ang ginawa niyang pagdalaw kay Direk Mac sa taping nito.