news

PEP EXCLUSIVE Bassist Nathan Azarcon speaks up for the first time since breakup of Bamboo: "Medyo hindi amicable yung breakup nung banda. May mga unresolved na issues..."

by Rommel R. Llanes posted on February 9, 2012  STATS: 10869 Views | 13 Comments

 

"Of course, even if you want to disagree, how can you? What can you do if he doesn't want to be with us anymore?" says Nathan Azarcon about his former bandmate Bamboo Mañalac. After a year since the breakup of their band Bamboo, Nathan talks about his issue against their former lead singer.

Photo By: Photo courtesy of Nathan Azarcon

Hindi maganda ang pakiramdam ng musikerong si Nathan Azarcon nang pumunta siya sa opisina ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Bukod kasi sa may dinadamdam na sakit, gusto rin ng bahista na maglabas ng sama ng loob tungkol sa dati niyang kabanda na si Bamboo Mañalac.

Si Nathan at si Bamboo ay dating magkabanda.

Matapos na parehong maging miyembro ng bandang Rivermaya, binuo nilang dalawa, kasama ng gitaristang si Ira Cruz at drummer na si Vic Mercado, ang alternative rock band na Bamboo.

Pinasikat ng Bamboo ang mga kantang"Hallelujah," "Noypi," "Tatsulok," at "Mr. Clay."

Noong nakaraang taon ay naghiwalay ang Bamboo.

Nag-solo career si Mañalac, habang nagbuo naman ng panibagong banda sina Azarcon, Cruz, at Mercado, kasama ang dalawa pang musikero na sina Junji Lerma at Wowee Posadas.

Hijo ang pangalan ng bagong alternative rock band na pinangungunahan ni Azarcon, bilang bahista at bokalista.

DIFFERENCE BETWEEN RICO BLANCO AND BAMBOO. Sa simula pa lang ng panayam ng PEP kay Nathan, ramdam na agad ang pagkainis nito, lalo na nang mabalitaan ang patuloy na pagkanta ni Mañalac sa mga pinasikat na awitin ng dati nilang banda na Bamboo.

"Yung pinagtiyagaan namin ng halos sampung taon was snatched from us!" reklamo ni Nathan.

Ikinumpara pa ni Nathan ang kaibahan ng pagtiwalag ni Mañalac sa kanila at sa pagtiwalag naman ni Rico Blanco sa dating banda nito na Rivermaya.

"In Rico's case, when he left band, the difference between that, between Rico leaving Rivermaya and Bamboo leaving us, that's totally different.

"Because Rico wrote all the songs [in Rivermaya]. Di ba, kuha mo? He is f**king Rivermaya, di ba?

"But with Bamboo's case, he didn't write any of the songs, but we did. So, that's a totally different thing!"

THEY WERE NOT INFORMED. Nilinaw rin ni Nathan na noong naghiwalay ang bandang Bamboo, hindi talaga kagustuhan ng iba pang miyembro ng banda ang desisyon ni Mañalac na maghiwa-hiwalay na sila.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  winged_angel

    02/12/2012 | 03:40 PM
    FlyNDance, hindi si Bamboo lang ang nagpasikat nun. Rivermaya ang nagpasikat ng 214. Huwag presumptuous at lalong huwag swapangin and credit. 214 is lovely song that was destined for greatness the moment it was created.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  hooney

    02/12/2012 | 11:11 AM
    talaga lang ha hindi na gumagamit si Bamboo?at kaya nag quit dahil ayaw na gumamait?ows??????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  FlyNDance

    02/11/2012 | 12:57 AM
    bamboo left maya bec he said he was so young then, he wanted to try diff things like pursue his studies and his family is there also. rico and bamboo are okay - even rico idol niya si bamboo when it comes to singing.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  FlyNDance

    02/11/2012 | 12:46 AM
    bamboo has never talked abt what happened, he even wished them to succeed. bamboo was just tired of their stuff - he said, the first they agreed upon why they stay in the band was fun, and it wasn't there anymore. bakit namn bitter na kantahin ni bamboo yung kanta nyo dati eh in the first place siya namn nagpasikat nun, kahit nga 214 si rico nagsulat pero yung kay bamboo pa rin ang sikat. move on na nathan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • voletskie

    02/10/2012 | 10:50 PM
    move on na kasi kayo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • gjoel

    02/10/2012 | 04:40 AM
    talagang may unresolved issues. unresolved MENTAL issues of Bamboo Manalac that he has been carrying for years, so the people who are collaborating with him now should be careful...be very, very careful.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    02/09/2012 | 09:49 PM
    jamsmom, you are right. Rivermaya went on tour sa US, nung pauwi na dito biglang ayaw na sumama ni Bamboo. Rico, Nathan and Mark were forced to come home without him. Yung album na na-record and ready for release, inulit pa nila dahil wala na si Bamboo. Pero walang anything bad na sinabi yung naiwan. Rico picked up the pieces and faced all the criticisms courageously as the vocalist. Nung bumalik si Bamboo and formed his own band, he kept saying bad things about Rico. Di man lang nagtry magpaka-diplomatic. Kaya hayan, pati yung second band niya, inaway niya naman. Hanubeh. Dapat thru music na lang ang labanan. Bring out the good stuff. Let your music talk! Rock on.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • g_r_i_n

    02/09/2012 | 09:14 PM
    eh kaya pala may interview kasi may ilalabas na album! hahaha. Sa band issues, di na magugulat diyan, parang halos lahat naman ng banda dumadaan sa ganyan, mas malala kung isa o lahat kayo sa banda gumagamit. sabog mga utak! ahahaha Anyway, kahit ano pa yan, idol ko pa rin si bamboo! tindi ng dating at boses eh! di kaya nilalabas din to dahil nasa ASAP at balitang Mentor-Judge si bamboo sa X-Factor? Hmmmmmm
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lynn_q8

    02/09/2012 | 09:05 PM
    itong Nathan na to naglabas nga lang ng baho ng banda e kc poh! hindi sila kilala at para mapagusapan, unlike Bamboo may career...nasa ASAP at mapapanood every Sunday eh ung banda nila kailangan ng publicity in order to get it, they have to start B!tching and the caused of the break up....para ma known ang banda nilang UNICA HIJA hehehehehe get a life Nathan and ur band and if you want to be known, make a real music maybe i'll listen to it...Bamboo YOU ROCK!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • nagpapakatotoolang

    02/09/2012 | 08:12 PM
    hehe, of course ayaw mong gawin legal ang labanan! haha! lalabas lang ang totoo na kaya nakipaghiwalay si bamboo sa inyo kasi hindi na nya matagalan ang pagiging adiktus nyo! it's common knowledge na bamboo is not friendly, even downright mean if he wants to, pero common knowledge na he's been clean for years and hindi na nya matagalan yung pagiging dependent nyo--lalo na ikaw, nate-- sa droga. dare nga nathan, magdemanda ka! para magkaalaman na! hahahahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinaypay2

    02/09/2012 | 07:35 PM
    Base sa mga sinabi mo, I think may nag click lang ng "block o di kaya report" sa website ninyo. Di ba sa facebook its either you can block or report. Medyo mahirap yan kasi di mo alam kung sino. Pwedeng ding nasa friends list nyo lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinaypay2

    02/09/2012 | 07:18 PM
    Love their music. Sad na pag praning talaga wala ka nang magagawa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    02/09/2012 | 06:40 PM
    dati nang praning si Bamboo... kung nagawa nyang traidurin si rico, bakit nagulat pa ang ibang members kung pati sila kalabanin ni bamboo?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About