LJ Reyes on her upcoming sexy cover pictorial: "Sasabihin ko pa bang, 'Ay, hindi ko po kaya!'"

Rose Garcia
Thursday, February 09, 2012 @ 08:01PM  |  23855 views

 

LJ Reyes on why she agreed to do another sexy pictorial even now that she's already a mom: "Papayag naman ako, nagawa ko na 'to [before]." 

Photo By: Noel Orsal













Mukhang nalilinya si LJ Reyes  sa mga papel na kontrabida. Naging epektibo rin kasi siyang kontrabida sa huling primetime series niyang Time of My Life na pinagbidahan ni Kris Bernal.

Ngayon, si Kylie Padilla naman ang kanyang aawayin sa The Good Daughter

Kung nagkakasunud-sunod man ang mga kontrabida roles niya ngayon, hindi raw yun dahilan para mabahala ang aktres dahil baka tuluyan na siyang kamuhian ng mga manonood.

Ang katuwiran nga ni LJ, nang makausap namin sa press conference ng The Good Daughter noong February 7, "Naniniwala po ako na ang audience natin ngayon ay mature na.

"Kasi naririnig ko dati kapag kontrabida ka, binabato ka ng itlog, kamatis.

"Ngayon naman po, wala namang ganoon.

"Lalo na ngayon, ang bilis-bilis nating nakukuha ang feedback ng mga audience.

"May Twitter, may Facebook, kung anu-ano.

"So, nalalaman mo na ang mature na talaga ng audience ngayon.

"Kapag nagsabi sila na naiinis ako, halimbawa rito kay Frances [character na ginagampanan niya sa The Good Daughter], nagagalit sila sa character, pero hindi kay LJ.

"Ganoon silang mag-comment."

Gaano siya kasama ngayon sa The Good Daughter kumpara sa karakter niya sa Time of My Life?

"Alam n'yo rito, kasi tinatanong ko na nga si Direk, 'Hanggang saan ba? Hanggang saan ba ang sama ng ugali ko?' 

"Niloloko ko siya. Pero sabi niya, sasama raw talaga ko.

"First two weeks kasi ipapakita nila na very loving ako sa family ko, pero protective ako sa kanila.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name