Dolly Anne Carvajal (main photo) on Shirley Kuan's statement regarding the issue involving Carmina Villarroel (inset photo-right) and Claudine Barretto (inset photo- left): "All I can say is having grown up in the biz, when an issue is not true, it's best to laugh it off or just let it slide. Why dignify it by reacting and holding a press con?"

Photo: Noel Orsal

"All I can say is having grown up in the biz, when an issue is not true, it's best to laugh it off or just let it slide."

Ito ang reaksiyon ni Dolly Anne Carvajal sa mga pahayag ni Shirley Kuan tungkol sa insidenteng kinasasangkutan nina Claudine Barretto at Carmina Villarroel.

Si Shirley ang tumatayong manager ni Claudine.

"It's a lie," ang sambit ng talent manager tungkol sa sinulat na "walkout incident" ng kolumnista sa "Dollywood," na mababasa sa Philippine Daily Inquirer. 

(CLICK HERE to see related story.)

UNFAZED. Tumangging magbigay ng direktang pahayag si Dolly tungkol sa mga sinabi ni Shirley.

"I gave my piece" ang sagot nito sa text message ng managing editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Karen Pagsolingan.

Pero tila may kinalaman ang recent Facebook status niya sa isyu:

"Why dignify it by reacting and holding a press con? In the end, the readers/viewers are the best judge.

"I know my loyal readers know I have never mislead them. They are whom I write for anyway.

"So as long as my readers stand by me, all those paid PRs or ad executives can yak on.

"I remain unfazed.

"I would not do anything to taint the legacy my Mom left in the biz [business]."

Matatandaang nauna nang nagbigay ng statement si Carmina at mariin nitong pinabulaanan ang isinulat ng kolumnista.

"Walang nangyaring ganun," sabi ng actress-TV host.