Alden Richards proud to be working with Dingdong Dantes; still looking for a date on Valentine

Rose Garcia
Thursday, February 09, 2012 @ 08:07PM  |  8652 views

 

Alden Richards on Dingdong Dantes's advices to him: "Sinasabi niyang panatilihin ko lang kung ano ang nasimulan ko at hintayin ko lang daw po, bibigyan ako ng mas magandang break, project. 'Huwag mong sasayangin. Suportado kita.' Yun lang po, nakakagulat lang po na kay Mr. Dingdong Dantes po galing."

Photo By: Noel Orsal













Pagkatapos ng kanyang offbeat role sa horror film na The Road, isa na namang kakaibang role ang ibinigay ng Kapuso network kay Alden Richards sa bagong primetime series na My Beloved.

Ginagampanan niya rito ang nakababatang kapatid ni Dingdong Dantes. Dahil sa pag-idolo niya sa kanyang kuya na isang kriminal ay kikidnapin niya ang isang dalaga (Louise delos Reyes) na magpapahulog ng kanyang loob.

Malaking bagay raw kay Alden na kahit baguhan pa lang siya ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makaeksena nang madalas si Dingdong.

Sabi ni Alden, "Si Kuya Dong kasi, magaling umarte. Madaling pagkuhanan ng emosyun. 

"Parang nagiging natural ang eksena kapag kaeksena ko po siya.

"Kaya proud din po ako kasi parang yun po ang tulong niya sa akin na hindi niya alam."

Nahihiyang inamin din ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na napa-flatter siya kapag binibigyan siya ng advice ni Dingdong.

"Parang pinapayuhan po niya ako. 

"Sinasabi niyang panatilihin ko lang kung ano ang nasimulan ko at hintayin ko lang daw po, bibigyan ako ng mas magandang break, project. 

"'Huwag mong sasayangin. Suportado kita.'

"Yun lang po, nakakagulat lang po na kay Mr. Dingdong Dantes po galing. 

"Sobrang bait po nilang dalawa," pagtukoy rin ni Alden sa kasintahan ni Dingdong na si Marian Rivera, na kasama rin nila sa My Beloved.


DINGDONG AND MARIAN. Dahil madalas niyang kasama sa mga eksena ang mga bida sa My Beloved na sina Dingdong at Marian, pinagkuwento ng PEP si Alden kung ano ang napapansin niya sa dalawa kapag nasa set sila.

"Ay, sobra pong sweet ni Ate Yan at Kuya Dong sa set!

"Sometimes, nakakatuwa po silang tingnan.

"Nakakainggit kasi parang bihira lang kaming makakita ng malalaking artista na sweet sa isa't isa, lalo na parehas silang big star sa GMA.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name