Susubukan na ng dating beauty queen na si Danielle Castaño ang mundo ng showbiz.
Ito ay matapos niyang patunayan na siya'y hindi lamang "beauty and brains" kundi "beauty and talent" din.
Katunayan, siya at ang StarStruck alumna na si Jade Lopez ang nasa cover para sa February 2012 issue ng FHM Magazine.
Matatandaang si Danielle ang pumalit sa binitawang Bb. Pilipinas-World 2008 title ni Janina San Miguel, dahil sa ilang personal na isyu ng huli.
Hindi man nanalo si Danielle sa Miss World noong 2008, pinalad naman siyang mapabilang sa Top 32 ng kumpetisyon.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Danielle kahapon, Pebrero 9, sa pocket interview nila ni Jade Lopez sa opisina ng Viva Talents Agency.
"At first like I was [hesitant]," sagot ni Danielle nang tanungin namin kung hindi ba siya nag-alangan na mag-pose nang sexy sa FHM.
"Pero, I mean like, you know, like noong lumaban ako 2008 pa, and nawala ako after.
"So, this is parang my comeback for me.
"Hindi siya, 'yong career ko, hindi siya like tuloy-tuloy, parang paputol-putol lagi. Kasi, I keep on traveling, I mean, I keep going back sa States."
VIVA TALENT. Noong Oktubre 2011 pumirma ng five-year contract sa Viva si Danielle.
Ano ang inaasahan niyang mangyari sa kanyang career ngayong talent na siya ng Viva?
"I mean, I can't say na I'm expecting something," nakangiti niyang sagot.
"I don't know kung anong mangyayari in the future.
"Pero hopefully I can, you know, work on my acting career in the Philippines habang I'm here.





