Dingdong Dantes on his role as angel of death in My Beloved: "The role, yung pagiging sundo, ay isang karakter na hindi mo madalas nakikita. To the point na iisipin mo nga kung meron ba talagang sundo—if there's such a thing as angels of death. So, for me, parang first time na gaganap sa Philippine TV ng ganito, so very challenging ang role. And anything that is challenging for me is exciting. The fact that it is not easy, it means that it's exciting."

Photo: Noel Orsal

Ang role ng British actor na si Orlando Bloom bilang Legolas sa epic trilogy movie na The Lord of the Rings ang unang maiisip sa hitsura ni Dingdong Dantes sa primetime series na My Beloved.

Gaya kasi ni Legolas ay mahaba rin ang buhok ni Dingdong sa bagong teleserye ng GMA-7 na pinagtatambalan nila ni Marian Rivera.

Ito rin daw ang naiisip ni Marian tungkol sa hitsura ng aktor.

Napangiti ang aktor nang biruin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng My Beloved last February 7, na siya ang "Orlando Bloom of the Philippines" dahil sa look niyang ito.

(CLICK HERE to read related story.)

"Hindi, ano lang... si Arlan, Arlan ang pangalan ko," sabi ng Kapuso actor.

Ayon kay Dingdong, maraming pinagpiliang style ng buhok bago nakuha ang look niyang ito sa My Beloved.

"Well, noong umpisa, we were thinking of a hairdo that would fit the bone... siguro the structure of the face.

"Marami pong sinubukan, 'eto yung nagwagi," sabi niya.

SKIMPY COSTUME. Bukod sa mahaba niyang buhok, isa pang kapansin-pansin sa role ni Dingdong sa My Beloved ay ang kakarampot na suot niya bilang isang "sundo" o angel of death.

Isang kapirasong tela lang kasi ang bumabalot sa ibabang bahagi ng katawan ni Dingdong.

Natatawang sabi nga niya, "Wala nga, e. Wala akong costume. Katawan lang!"

Kumportable ba siya habang ginagawa yung mga eksenang yun?

"Hindi parati!" natatawa niyang pag-amin.