Dahil sa pakikipag-collaborate ni Dingdong Dantes sa Star Cinema para sa pelikulang Segunda Mano ay nagkaroon ng haka-haka na baka tuluyan nang lumipat ang Kapuso actor sa bakuran ng ABS-CBN.
Ayon pa sa report ay hinihikayat daw siya ng co-star at co-producer niya sa Segunda Mano na si Kris Aquino na lumipat na ng network.
Pero binigyang-linaw ni Dingdong ang isyung ito.
"Siguro baka nagkataon na maiisip talaga 'yon because I was privileged to do a project in Star Cinema.
"And lahat naman 'yon, hindi naman mangyayari kung hindi dahil sa magandang pag-uusap ng kampo namin, ng GMA, and of course ng Star Cinema.
"Bihirang mangyari yung mga ganung pagkakataon.
"That's why I'm grateful they made this collaboration possible," saad ng premiere Kapuso leading man.
Masusundan ba ang paggawa niya ng pelikula sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN?
"Hindi natin alam," sambit ni Dingdong.
"Kung dati iniisip n'yo, e, baka imposibleng makagawa ako ng movie outside of GMA, but still, it became possible.
"So anything can be possible, depende rin sa tamang intensiyon, tamang panahon, and probably tamang pagkakataon."
IZA CALZADO. Dahil napag-uusapan na rin lang ang paglipat ng network, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong kung ano ang reaksiyon niya sa paglipat ng dating Kapuso star Iza Calzado sa bakuran ng ABS-CBN.
Maraming pinagsamahang proyekto sina Dingdong at Iza sa GMA-7.
Sa TV ay nagkasama sila sa Encantadia, Etheria, Atlantika, at I Heart You, Pare.
Sa pelikula naman ay naging magkatambal sila sa Moments of Love, Eternity, at One True Love.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
36 yummyfruit
35 yummyfruit
34 astrodeus
33 antivirus2
32 Kapampanguso77
31 manangdi
30 manangdi
29 funrel
28 kapusoakopep
27 Manster10
26 ehemm
25 BERNARD2010
24 oskieness
23 amang
22 aiskeep
21 exclusibo
20 exclusibo
19 exclusibo
18 exclusibo
17 empress_mortal
more comments