Kahapon, February 9, ay lumipad na patungong Switzerland ang young actress na si Sarah Lahbati.
Sa February 13 ay magkakaroon siya ng homecoming concert sa Geneva, kung saan nakabase ang kanyang pamilya. Kasama niyang magpe-perform sina Enzo Pineda at Derrick Monasterio.
Pero bago umalis si Sarah ay nakausap muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Party Pilipinas noong Linggo, February 5.
Sa aming pag-uusap ay inamin ng dalaga ang nararamdamang tensiyon sa nalalapit niyang concert.
"Medyo nakakaramdam ako ng tensiyon kasi first time kong magku-concert.
"'Tapos, sa Switzerland pa. Halos lahat ng nando'n, mga family friends.
"Siyempre may ibang Pinoy din doon na manonood na kumbaga, makikilala ko pa lang.
"At iyon talaga ang nakakatensiyon for me, for Derrick, and for Enzo rin."
Mananatili sila sa Switzerland ng isang linggo. Pero gusto raw sana ni Sarah na mag-extend ng isang linggo para maka-bonding ang mga magulang niyang doon nakabase. Mataga-tagal na raw kasi silang hindi nagkasama.
Pero ani Sarah, "Hindi ako napayagan [ng GMA-7] na mag-extend. Pero okey lang.
"At least kahit papa'no, di ba, makakauwi ako sa Switzerland finally."
CARLO AQUINO. Bukod sa pagkaka-link ni Sarah kay Derrick Monasterio, may balita ring nililigawan daw siya ni Carlo Aquino.
Gaano ito katotoo?
"Ay, hindi po! Hindi!" mariing tanggi ni Sarah.
Paano ba sila nagkakilala ni Carlo?




0

