news

Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor

by Mark Angelo Ching posted on February 10, 2012  STATS: 30808 Views | 80 Comments

Comedian Betong Sumaya was declared winner at the grand finale of Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown held earlier tonight, February 10. Betong bested fellow castaways Mara Yokohama and Stef Prescott.

Photo By: Noel Orsal

Si Albert "Betong" Sumaya ang itinanghal na Ultimate Sole Suvivor sa grand finale ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Ginanap ang live finale episode ng fourth season ng popular reality show na ito ngayong gabi, February 10, sa Studio 7 ng GMA Network.

Pagkatapos basahin ng host na si Richard Gutierrez ang huling boto at ianunsiyo na si Betong ang nanalo, hindi napigilan ng komedyante ang mapaluha.

Tinawag din niya ang ilang miyembro ng kanyang pamilya sa stage upang samahan siya sa kanyang tagumpay.



Sina GMA-7 Chairman and CEO Felipe Gozon at President and COO Gilberto Duavit, Jr ang nag-abot ng premyong P3 million kay Betong.

Apat na boto ang nakuha ni Betong mula sa pitong miyembro ng Jury. Ang mga bumoto sa kanya ay sina Maey Bautista, Chuckie Dreyfus, Arthur Solinap, at KC Montero.

Pumangalawa si Mara Yokohama na nakakuha naman ng dalawang boto—mula sa Volcanoes players na sina Arnold Aninion at John Odulio.

Isang boto lang ang nakuha ni Stef Prescott—mula sa kanyang partner at kasamahan sa GMA Artist Center na si Gino dela Peña.

BETONG'S HIGHLIGHTS. Noong November 14, 2011 nag-premiere sa primetime ng GMA-7 ang  Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, na kinunan mula September 21 hanggang October 26 sa San Vicente, Palawan.

Isa si Betong sa 20 celebrity contestants na sumali sa season na ito, na nag-feature ng mga magkaka-partner na contestants.

Ka-partner niya ang kanyang kaibigan na si Maey Bautista, na ka-tandem niya rin sa paghu-host sa ilang mga programa sa GMA News TV.

Mahina ang katawan ni Betong at hindi siya nanalo ng kahit isang challenge.

Ang nakapagligtas lang sa kanya ay ang pagkaka-tandem niya kay Maey, dahil pareho silang itinuturing bilang pinaka-likable na castaways sa season na ito.

At dahil hindi siya threat pagdating sa physical challenges, hindi rin siya madalas ma-target para matanggal sa Tribal Council.

Dahil dito ay nakarating si Betong sa merge noong Day 16 nang walang bumuboto para matanggal siya.

Pagdating ng merge ay naging mapanganib ang posisyon ni Betong dahil isa siya sa apat na miyembro ng Tala tribe, na outnumbered ng mga miyembro ng Bulan tribe.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

80 Comments

  • 40  humandynamics

    02/11/2012 | 08:48 AM
    i thought so, congrats betong! kaloka lang ang ending hanggang sa huli ang mga jury naglalaro, diniktahan nila si mara, stef at betong na i vote out si kc. ang tatlo naman nagpa uto siguro dahil nagtiwala sila na si kc lahat ang nagpasimuno ng lahat. pero katulad nga ng sinabi ni kc its like fraudulent election in the philippines, lol. but having said that, foul pa rin si kc sa cruel comment niya sa dog ni stef.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  gorgeous_aleck

    02/11/2012 | 08:21 AM
    kasalanan ni KC kung bakit siya natanggal. nakipag alyansa siya ky stef at mara kahit nag offer sa kanya si betong. ayun, naisahan tuloy siya ng mga girls. kung ky betong siya nakipag alyansa malamang panalo c KC. mas exciting ang KC-Mara-Betong sa finals kasi mahahati ang votes. pero congrats betong! na outwit mo sila. dapat kasi nag isip ng strategy sina mara at stef sa huling botohan. imbes na hingin ang boto ang jury ay nagmamataas pa sila. anong napala niyo. sabi nga kagabi, ang puso ang sandata ni betong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  tsismosaako

    02/11/2012 | 08:09 AM
    awa awa lng pala. ang mahina syang nanalo. trash show tsk tsk tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  bulagafan

    02/11/2012 | 08:09 AM
    congratulations betong. sana gamitin mong maayos ang napanalunan mo. Huwag mong ipamili ng pirated dvds o kaya ay maging idol mo si Pnoy at bumili ka ng porsche at baril.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  pabima

    02/11/2012 | 07:56 AM
    Charitable institution na pala ang Survivor ngayon. Kung meron sanang ginawa ang staff at crew nung huling tribal council,yung pinakadeserving sana ang nanalo. Worst season ever!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  jams_mom

    02/11/2012 | 07:52 AM
    si KC pa rin ang nagdikta ng laro... he was the swing vote dahil given naman talaga na yung 3 Tala ay na kay betong pa rin ang loyalty... tama nga, sa huli, bumigay ang malakas na alanysa ng Bulan, at tala pa rin ang nanalo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  deepthoughts

    02/11/2012 | 07:48 AM
    d who?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  hotmomma29

    02/11/2012 | 07:46 AM
    Pano to nanalo? sa awa at iyak... haayyy!!! From JC, Amanda, Akihiro tas beTOINK!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  fatedtoloveyou25

    02/11/2012 | 07:45 AM
    lahat ng sumali dun my agenda kng bkit andun...at c betong ang purpose eh pra makatulong sa magulang nya..at mas okie n cya ung nanalo kc malaking tulong un sa pamilya nya.kesa sa nanalo eh yung mayaman..at game utak ang kelangan gamitin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  jeac3

    02/11/2012 | 07:27 AM
    Betong you deserve it!!!!! CONGRATS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  clay28

    02/11/2012 | 07:07 AM
    amazing betong ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  partyPPol

    02/11/2012 | 06:52 AM
    Amazing!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  kapusoakopep

    02/11/2012 | 06:22 AM
    Yun naman tlaga ang purpose ni Betong kaya siya sumali ah. Kelangan niya ng money para makatulong sa family so un ang gginamit niya ang manghingi ng awa para manalo. So deserving pa rin siya. si Stef ang purpose ay experience at si Mara ay ewan. Kaya in the end DESERVING pa rin siya so wag na kayo BITTER .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  kapusoakopep

    02/11/2012 | 06:19 AM
    in the end TALA rules the TITLE, deserving naman tlaga siya e. May bitter pa rin pero MAS MARAMI ang SWEETER sa victory niya. Pati mga taga showbiz. GO AMAZING BETONG
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  pinasbuzzer

    02/11/2012 | 05:35 AM
    kc dapat hayyyyyyyy kainis
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  Cg7adrian

    02/11/2012 | 05:26 AM
    COngratz Betong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  BopolEngot

    02/11/2012 | 04:49 AM
    basang basa na sa open forum ang kahihinatnan nito pero marami pa rin umasa... umasa na manalo ang mabaho ang hininga at mandaraya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  BopolEngot

    02/11/2012 | 04:43 AM
    sising alipin si stef... sana eh pinili na lang si KC sa top 3 at baka nabalatuhan pa lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  caramiel

    02/11/2012 | 04:12 AM
    oh my god so amazing! sa mga nag ssabi na he won bcoz of Awa...obviously khit ndi sya nag speech sya prin ang mnnalo,coz the 3 tala members will still vote for him,sympre nman amazing dba till the end...u think the talas will vote for d 2 bulan girls? no way! esep2x nga mga pepol...and of course no doubt prin that,Kc is the only bulan who voted for him...ksi nman he hated the girls...and Kc wasn't bitter tonight,nagpka ttuo lng sya,na dpat sya tlga ang nsa lugar ni betong coz deserving sya. if i were Betong,i'll give nlang the necklace to Kc,may 3 mil. na nman sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  caramiel

    02/11/2012 | 03:56 AM
    ohh my god so amazing yung isang comment dto!saying,that betong won bcoz of AWA..obviously,khit ndi sya nag speech the 3 tala members would still vote for him...kung na awa yung mga jurys dpat sya ang binoto ng ibang bulan...and Kc voted for him coz he hated the girls...and Kc wasn't that mad or bitter tonight,nagpka ttuo lng sya,na dpat tlga sya ang nsa lugar ni betong coz deserving tlga sya. and for Stef nman..wla tlgang bbuto sa knya except for Gino,coz lhat sla hate c stef. I bet,kung si Kc yung nsa top 3,sya ang mnnalo,coz d 4 talas will vote for him...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About