Agad na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albert "Betong" Sumaya kagabi, February 10, matapos siyang manalo bilang Sole Survivor ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.
Pahayag ng comedian at TV host, hindi pa siya makapaniwala na siya ang nanalo ng titulo at ng P3 million cash prize—tax-free.
Dagdag pa niya, ngayon ay paniwalang-paniwala na siya na deserving nga siyang makarating hanggang sa top three.
Noong una kasi ay laging binabanggit ni Betong na hindi siya deserving mapabilang sa puwestong iyon, dahil mas deserving ang ka-partner niya sa laro na si Maey Bautista, o ang ilan pang miyembro ng Jury, tulad ni KC Montero.
Saad niya, "Yes, masasabi ko na deserving ako dahil pinatunayan namin ni Maey na hindi mo kailangang maging malakas physically para lumaban sa Survivor.
"It means na puwede mong gamit yung utak mo at yung puso mo sa paglalaro.
"Yun nga, bagamat strategy namin na mag-switch alliance nang mag-switch alliance, dun kami tumagal, e.
"Yung mga mismong Bulan [tribe], sila yung naglaban-laban. Kami yung nasa gitna.
"So, kami yung parang swing vote.
"So, yun nga, kailangan nga talaga namang laruin, basagin mo yung morals na, ito kailangan mong laruin.
"Pero yun nga, puwede mong laruin yung Survivor pero mabuti ka pa ring tao."
PAAWA EFFECT. Sinagot din ni Betong ang mga puna na kaya siya nanalo ay dahil sa nagpapaawa lamang siya sa Jury.
Nagsaad kasi ito na kailangan niyang manalo para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
"Actually, nirerespeto ko po yung opinyon nila, pero, hindi po ako umiiyak sa Survivor na gusto ko lang umiyak," sabi ni Betong.
Ayon sa kanya, hindi raw arte ang kanyang pag-iyak-iyak sa show.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
24 oskieness
23 lostris
22 doublestar
21 fifiandtheflowertots
20 gorgeous_aleck
19 lovekopinas
18 chinakim
17 shownie4ever
16 sk8r_boi
15 lema
14 lema
13 lefty
12 labkokapuso
11 kapusoakopep
10 kewl
9 arth1328
8 fifiandtheflowertots
7 BERNARD2010
6 my_sayad
5 Mirain
more comments