While shooting a scene for Kokak, JC Tiuseco says a van almost ran over his left foot.

"Muntik daw, kasi nakatalikod ako, nakadapa ako tapos dadaan yung van, tapos medyo iniurong ko yung paa ko kasi konti lang yung space, e. Ayun muntik nang masagasaan. Kakatapos lang ng kanang [binti], yung kaliwa naman ang muntik na madisgrasya," he recounts.

Last year, JC had surgery on his right knee due to a torn ligament or ACL (Acute Cruciate Ligament).

Photo: Noel Orsal

"Ha? Hindi, hindi," ang mabilis at natatawang sagot sa amin ni JC Tiuseco nang tanungin namin kung totoong nanliligaw siya kay Sarah Lahbati.

Dahil huminto na si Derrick Monasterio ng panunuyo sa Kokak star, balitang si JC (na co-star ni Sarah sa Kokak) ang masugid na nanliligaw ngayon sa young female star.

"Hindi, hindi totoo. Ni hindi ko nga alam na may ganun, na huminto na [si Derrick] sa panliligaw sa kanya, na nag-give up na."

Wala raw nililigawan ngayon si JC.

"Kasi medyo busy sa trabaho, kaya wala pang oras na manligaw. Hindi naman ako nagmamadaling magka-girlfriend, e," sinabi pa ng hunky actor.

Ang nararamdaman ni JC ay lungkot pagkat tapos na ang taping nila for Kokak; hanggang Marso pa naman ito ipapalabas.

"Malungkot. Kasi naging masaya kami dito sa serye, kaya ayun, sayang nga na matatapos na kami."

Ang hindi niya makakalimutang eksena sa nabanggit na Afternoon Prime drama series ng GMA...

"Yung fight scene namin nung mga goons na kumidnap kay Kara [played by Sarah], nung nakaraang taping."

Hindi iyon makakalimutan ni JC dahil...

"Kasi muntik nang magulungan yung paa ko nung sasakyan!

"Muntik daw, kasi nakatalikod ako, nakadapa ako tapos dadaan yung van, tapos medyo iniurong ko yung paa ko kasi konti lang yung space, e. Ayun muntik nang masagasaan."

Natatawa nga si JC habang ikinukuwento sa amin ang nangyari.

"Kakatapos lang ng kanang [binti], yung kaliwa naman ang muntik na madisgrasya."

Last year kasi ay inoperahan si JC sa right knee dahil sa torn ligament sa tuhod niya or ACL (Acute Cruciate Ligament) injury dahil sa isang aksidente noon sa paglalaro ng basketball.