For the nth time, Marian Rivera was asked by the entertainment press if she and boyfriend Dingdong Dantes have any wedding plans. "Wala. Kaya nauudlot, e. Huwag na muna. Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko. Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat," she says.

Photo: Noel Orsal

Sabi agad ni Marian, "Wala. Kaya nauudlot, e.  Huwag na muna. 

"Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko.

"Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat.  Lahat ng gustong pumunta. 

"Siyempre, alam ko marami kayong tinatanong tungkol sa kasal. Siyempre, kahit kami, hindi namin masabi. 

"Basta balang-araw, magkakaroon ng chance, ipapatawag ko lahat ng press.

"Kahit akong mag-isa, ia-announce kong talaga at hindi ko talaga ikakahiya yun dahil bilang babae, e, crown ng babae yun."

Kahit silang dalawa ni Dingdong, hindi nila napag-uusapan?

"Wala talaga, e.  Siguro noon, pero, ngayon, wala talaga. 

"At wala akong idea kung ano ang magaganap sa aming dalawa."

EVERY DAY IS VALENTINE'S DAY. Sa Tuesday ay Valentine's Day na. Pero magiging busy sina Marian at Dingdong sa pagpu-promote ng serye nila dahil sa Lunes, February 13 na ang pilot ng My Beloved.

Yun ba ang dahilan kaya napabalitang nag-Sonya's Garden na sila noong Linggo sa Tagaytay?

Ayon naman kay Marian, "Palagi namang Valentine's day sa amin. Wala naman kaming pinipili."

Dugtong din niya, "Ano ka ba, e, 'di ba, guest siya sa concert ni Kuya Ogie [Alcasid]. 

"After no'n, pinagpipilian pa namin kung magluluto na lang ako para hindi kami lumabas.

"Kasi, 7 o'clock call time na namin sa My Beloved kinabukasan or dadalhin daw niya ako sa isang lugar na hindi namin alam."