For the nth time, Marian Rivera was asked by the entertainment press if she and boyfriend Dingdong Dantes have any wedding plans. "Wala. Kaya nauudlot, e. Huwag na muna. Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko. Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat," she says.

Photo: Noel Orsal

"'Tapos lahat ng hinihiling mo sa Diyos, binibigay sa 'yo. Walang dahilan para ipagkait mo yun sa iba. 

"Ano ba naman yung mag-extend ka ng love sa mga katrabaho mo? Matuto kang magpasensiya. Matuto kang magbigay sa kanila.

"So, natutuwa rin ako kasi, ang sarap. Ang gaan ng feeling kapag ganoon ang pakikitungo mo. 

"Kumbaga ako, lahat na yata ibinigay na sa akin Lord...Ang bait Niya sa akin na talagang lahat, ibinigay Niya.

"In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"

Naisulat din ang kuwento ni Sheena Halili, na dating co-star ni Marian sa Amaya.

Nag-decide daw mag-invest si Sheena sa isang condo unit dahil kay Marian. Noong una daw kasi ay takot ito lalo na sa pagbabayad.

Pero in-encourage daw ito ni Marian—siya na raw ang magpapatuloy ng bayad kung sakaling hindi na kaya ni Sheena ang monthly installments.

Mabilis kaming sinaway ni Marian na ayaw raw niya ng ganoong topic.

Aniya, "Ganito na lang, ayoko niyan, ayoko niyan. Tumutulong ako sa [kapwa] artista, nagpapayo ako. 

"Gusto ko, yung mga artista, lumalapit sa akin, nagtatanong sila dahil nalalaman siguro nila na nag-i-invest ako.

"Nakakatuwa na nagtatanong sila sa akin. So ako, kung ano ang experience ko, sinasabi ko sa kanila.

"Pero ayoko nang...si Marian Rivera tinulungan si ganito. Si Marian Rivera tumulong sa...ayoko ng ganoon.

"Kumbaga ako, tinutulungan ko ang kapwa artista...para magkaroon din sila at okay na ko ro'n.

"At ako, bilang marami akong experience at marami rin akong na-invest, gusto kong i-share yun sa mga kapwa artista ko na gustong mag-invest talaga.