news

Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"

by Rose Garcia posted on February 11, 2012  STATS: 95221 Views | 470 Comments

For the nth time, Marian Rivera was asked by the entertainment press if she and boyfriend Dingdong Dantes have any wedding plans. "Wala. Kaya nauudlot, e. Huwag na muna. Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko. Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat," she says.

Photo By: Noel Orsal

Nang i-introduce ni Dingdong Dantes ang leading lady niya sa bagong primetime series, My Beloved, na si Marian Rivera, buong ningning nitong tinawag ang girlfriend niya ng "My beloved..."

Nahalata ng entertainment press  sa presscon noong Martes ng gabi, February 7, sa Studio 7 ng GMA Network na tila hindi inaasahan ni Marian ang naging paraan ng pagtawag sa kanya ng boyfriend.

Nangiti lang ito at na hindi agad nakapagsalita.

"Hindi naman. Siguro ano lang, ganoon naman talaga, 'di ba? 

"Siguro nakikita niyo na sobrang masaya naman talaga ko rito sa My Beloved," ang sabi ni Marian.

"Tulad ng sabi ko kanina, nagpapasalamat ako kasi sa akin nila binigay [ang role] ni Sharina na ini-enjoy ko talaga!"

Sinabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian na nabanggit daw ni Dingdong sa isang interview na may dahilan at gusto nitong makasama si Marian muli sa isang teleserye.

Nais daw ni Dingdong makita ang pagbabagong lagi niyang naririnig tungkol kay Marian; nakita naman daw ng aktor ang mga pagbabagong yun.

Ayon naman kay Marian, "Oo. Ngayon talaga, trabaho, trabaho. 

"Kapag nag-roll na ang camera, ay, hindi tayo ang Dongyan. Kumbaga, ako si Sharina, ikaw si Benjie. 

"Masarap lang din sa amin na alam niyo yun—yung feeling na magkasama kami sa trabaho at siyempre, as partners, mas tumindi yung relationship namin, yung bonding namin. 

"Siguro, mas lumalalim yung saya na dulot ng taping [dahil] magkasama kami.

"Nagkukuwentuhan kami. Naglalaro kami ng Temple Run. Alam mo yung mga ganoon?"

CHANGES. Nakita raw ni Dingdong ang pag-iba ng attitude ni Marian lalo na ang pakikitungo nito sa set. Proud nga raw ito sa girlfriend.

"Talagang sinasabi ko sa interview, yung blessing pala na dumarating sa buhay mo, kapag marami ka ng blessing, mababait yung mga tao sa paligid mo.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

470 Comments

  • 70  angelthebest

    02/12/2012 | 01:18 PM
    'Nakita raw ni Dingdong ang pag-iba ng attitude ni Marian lalo na ang pakikitungo nito sa set. Proud nga raw ito sa girlfriend.' so nagbago na..di totoo talaga lahat yung mga nega nyahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  cutehunk09

    02/12/2012 | 01:17 PM
    same old story, bagsak pa rin alang improvement pnag ttwanan lng sya sa presscon non sense bopols kc. latest issue Carla Abellana soon to be kapamilya buti na lng she realized na mas ggnda career nya kesa sa kapuso pano puro marian marian sya na lng ba artista
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  angelthebest

    02/12/2012 | 01:16 PM
    BIR's Female Stars Top 20 Taxpayers in peso for 2011: 1. Sharon Cuneta 100M 2. Nora Aunor 57M 3. Kris Aquino 34M 4. Sarah Geronimo 27M 5. Angel Locsin 24M 6. Marian Rivera 21MSource: The Buzz Magazine March 2012 issuePartida yan kasi imortal at in the name of lang gawa niya. hehehe Angel rocks!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  horacio

    02/12/2012 | 01:14 PM
    tumpak number 65....nag i-english nga eh hanggang sa actually, hopefully, eventually, definitely at lahat ng may ly lang ang sinasabi karamihan din gamit ahh, uhmmm sus ewan, di ikaw na mr walang pretensions may laman ang sinasabi. mabuhay ka mr. All the best...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  MandK

    02/12/2012 | 12:38 PM
    isa sa nagustuhan ko sa kanya pag interview..wapak na wapak..may sense kausap may laman ang sinasabi,at hindi siya boring at mahalata talagang may pinag aralan, hindi kailangan english ang sagot para masabi mo na magaling!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  keen

    02/12/2012 | 12:34 PM
    My Beloved na bukas! excited na ang sambayang Pilipino worldwide...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  pantas_uno

    02/12/2012 | 12:27 PM
    witty responses! iba talaga pag nakatapos ng pag aaral.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  certified_orig1

    02/12/2012 | 12:21 PM
    Magaleng ba si Bea? Kaya pala ang aga natsugi ng GUNS na consistent mataas sa Kantar hahaha. Toda Max din talo sa ratings hahaha. Walang validation ang Kantar.. ayun oh wala pang ratings na nilabas di pa alam ano ipakita sa primetime hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  certified_orig1

    02/12/2012 | 12:19 PM
    sweetum sa galeng ni Marian papano sya makakuha ng award eh ang kabilang network laging nag under the table hahahaha. tanong mo kay alfie, even si Piolo pala dati kailangan din maglagay para masure ang panalo.. No wonder mas maraming awards ang ABS pagdating sa major awards locally kasi naglalobby..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  certified_orig1

    02/12/2012 | 12:17 PM
    Sus bakit si Marian ba bida sa biretera, si Marian ba bida sa Legacy. Walang binatbat ang Walang Hanggan hanggang few episodes lang sa curiousity kay Richard at Dawn tandem hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  karell_ann

    02/12/2012 | 12:00 PM
    gme kasi walang ibang artista kundi marian lang.. Sa ABS kasi andaming magagaling at sikat!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  lefty

    02/12/2012 | 11:54 AM
    lalong gumanda si MR sa new luk nya...bumata ang itsura..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  MandK

    02/12/2012 | 11:38 AM
    Marian is so lucky and blessed..mabait kasi pero matapang talaga siya...palaban...i like her alot..very natural and honest
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  pwedenarin

    02/12/2012 | 11:33 AM
    Sinong Bea Alonso, yung natsitsismis na pumatol sa isang kabaro niyang executive ng Channel 2? May morality ba ito? Isa rin itong has-been. Pinag-uusapan pa ba ito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  MandK

    02/12/2012 | 11:24 AM
    she's pretty and talented
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  sweetum

    02/12/2012 | 11:23 AM
    magsalita to kala mo bea alonzo sya, eh di ka pa nga nakakuha ng award sa acting or nakapagbluster ng movie mo, feeling ka talaga. si DD lang trophy mo at pasalamat ka sa GMA umalis si Angel na tulad mo di rin marunong umarte at di naman kagandahan talaga, pareho lang kayong sexy, kaso mas malala ka dahil totoong maldita at palengkera ang ugali.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  ChristieMarie

    02/12/2012 | 11:15 AM
    For Marian's haters... just like saying 'I don't like the man. I must get to know him better' ... I guess that's a no brainer right? So, calm down ... peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  birtwal

    02/12/2012 | 11:09 AM
    di ko binasa ang haba, pero like ko tong title ng article, korek na korek yang sinabi mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  jakar

    02/12/2012 | 10:57 AM
    GOD BLESS MORE MR para mas marami ka pang mabigyan ng tulong ng "HINDI NA KAILANGAN NG CAMERA"...we know na super dami mo ng natulungan na hindi na umaabot sa media...like nung nakaraang sakuna dyan sa pinas...ur 1 of the fastest artist na tumulong agad sa kanila...kay direk mac a. pa namin nalaman. maging guide ka sana sa mga iba pang artista na wag maging bulagsak sa kanilang pinaghirapan...good health na lang ang wish ko sayo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  djelibeybi

    02/12/2012 | 10:48 AM
    o eto pa daw sabi ng facebook-- Hindi mo kailangang makipagtalo para lamang mapatunayan na matatag kang tao... minsan kailangang manahimik.. hindi dahil sa takot tayo.. kundi dahil ang matitinong tao, hindi papatol sa mga taong ka-level lang ng ASO! kaya nga sabi ni yanyan-- KEBER! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About