"Pero, huwag n'yo nang isulat yun."
Saka natatawang sabi, "Naku, baka mamaya ang daming pumila sa bahay!"
Dugtong pa niya, "Kasi ako, naniniwala ako na kung magiging close ang dalawang artista, magiging close yan ng hindi mo pinipilit.
"Nagkataon talaga na sa Amaya ang dami kong naging close at naging malapit sa puso ko."
PARTNERS. Kumusta naman silang dalawa ni Dong sa My Beloved?
"Ang saya! Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
"As in, mukha kaming tanga, naglalaro kami ng Temple Run, nagpapaligsahan kaming dalawa.
"May mga lines kami, script kami na kapag may mga eksenang kailangan nagtutulungan kaming dalawa. Iba dati."
Paanong iba dati?
"Hindi ko rin alam, e. Dati, kanya-kanya. Sige, bahala ka. Iyak ako, bahala ka."
May challenge ba na katrabaho si Dingdong ngayon?
"Challenge? Nakakatawa kasi yung character niya rito, hindi siya nagpapatawa pero naïve siya at anghel siya na naparusahan. Nakakatawa.
"Siyempre noong una ko siyang napanood, sabi ko, 'Hindi kita kaya! Hindi kita kaya!' Hanggang sa nasanay na ako. Natatawa ako.
"Pero alam naman niya na kapag nag-roll na ang camera, iba na ko. Pero kapag rehearsal, tinatawanan ko siya."
WEDDING PLANS? Ito ang madalas na naitatanong sa kanilang dalawa.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
370 BelovedOne
369 BelovedOne
368 bus_stop
367 etoako
366 bus_stop
365 BelovedOne
364 Castiel_Dean
363 willierevi
362 BelovedOne
361 jakar
360 BelovedOne
359 Elite_Us
358 BelovedOne
357 Elite_Us
356 BelovedOne
355 BelovedOne
354 bus_stop
353 BelovedOne
352 mynamedoesntmatter
351 Castiel_Dean
more comments