For the nth time, Marian Rivera was asked by the entertainment press if she and boyfriend Dingdong Dantes have any wedding plans. "Wala. Kaya nauudlot, e. Huwag na muna. Sabi ko nga sa inyo, ganito na lang. Kapag dumating ang pagkakataon na merong mga ganyang isyu tungkol sa mga weddings, magpapa-presscon talaga ko. Ipapatawag ko kayong lahat at sasabihin ko lahat," she says.

Photo: Noel Orsal

Nang i-introduce ni Dingdong Dantes ang leading lady niya sa bagong primetime series, My Beloved, na si Marian Rivera, buong ningning nitong tinawag ang girlfriend niya ng "My beloved..."

Nahalata ng entertainment press  sa presscon noong Martes ng gabi, February 7, sa Studio 7 ng GMA Network na tila hindi inaasahan ni Marian ang naging paraan ng pagtawag sa kanya ng boyfriend.

Nangiti lang ito at na hindi agad nakapagsalita.

"Hindi naman. Siguro ano lang, ganoon naman talaga, 'di ba? 

"Siguro nakikita niyo na sobrang masaya naman talaga ko rito sa My Beloved," ang sabi ni Marian.

"Tulad ng sabi ko kanina, nagpapasalamat ako kasi sa akin nila binigay [ang role] ni Sharina na ini-enjoy ko talaga!"

Sinabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian na nabanggit daw ni Dingdong sa isang interview na may dahilan at gusto nitong makasama si Marian muli sa isang teleserye.

Nais daw ni Dingdong makita ang pagbabagong lagi niyang naririnig tungkol kay Marian; nakita naman daw ng aktor ang mga pagbabagong yun.

Ayon naman kay Marian, "Oo. Ngayon talaga, trabaho, trabaho. 

"Kapag nag-roll na ang camera, ay, hindi tayo ang Dongyan. Kumbaga, ako si Sharina, ikaw si Benjie. 

"Masarap lang din sa amin na alam niyo yun—yung feeling na magkasama kami sa trabaho at siyempre, as partners, mas tumindi yung relationship namin, yung bonding namin. 

"Siguro, mas lumalalim yung saya na dulot ng taping [dahil] magkasama kami.

"Nagkukuwentuhan kami. Naglalaro kami ng Temple Run. Alam mo yung mga ganoon?"

CHANGES. Nakita raw ni Dingdong ang pag-iba ng attitude ni Marian lalo na ang pakikitungo nito sa set. Proud nga raw ito sa girlfriend.

"Talagang sinasabi ko sa interview, yung blessing pala na dumarating sa buhay mo, kapag marami ka ng blessing, mababait yung mga tao sa paligid mo.