Naibulalas ng komedyanang si Mosang ang kanyang sama ng loob tungkol sa isang dating kaibigang niloko siya sangkot ang malaking pera.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mosang sa last taping day niya para sa Kokak ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati.
Umaabot pa sa mahigit isang daang libong piso ang hindi pa nababayaran sa kanya ng isang kaibigan niya.
"Noon pa itong October last year. Bale one hundred five thousand pa.
"Friend ko siya na bading tapos inaya niya ako...long time friend ko na siya, mga about a year na, tapos inaya niya ako sa isang investment. E, siyempre ako, nagtatrabaho ako, gusto kong kumita.
"Ang ikinuwento niya, parang merong financier sa casino.
"Actually marami kami, marami kaming magkakaibigan na nakuhanan niya.
"Una nakapagbigay ako, almost lahat-lahat, two hundred forty six thousand. Tapos napansin ko ng mga about a month walang tubo... yung bumabalik na tubo parang ang bagal.
"Ang usapan namin yung one hundred thousand, ang tubo mo is parang thirty-thirty, every 10th and 25th of the month, so sixty thousand supposedly.
"Tapos sabi ko, 'Bakit ang tagal?
"'Sabihin mo na sa akin yung totoo, maiintindihan naman kita.
"'Bakit ang tagal ng tubo, ang usapan, bank-to-bank.
"After a month, isang buwan after kong magbigay ng pera, nagtatanong na ako, 'Bakit parang ang hirap mong singilin ng tubo? Kinuhanan mo pa ako ng bank account, ng ID.'
"E, may sakit yung mother niya, parang may diabetes yata.
"Tapos sabi ko, 'Alam mo kung nagsisinungaling ka sa akin, maiintindihan naman kita.



0

