Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup

Demai G. Sunio-Granali
Saturday, February 11, 2012 @ 07:09PM  |  1615 views

Medyo mailap pa rin sa press ang celebrity stylist na si Liz Uy. Halos ayaw niyang magkomento tungkol sa nali-link sa kanya ngayong si Ely Buendia, pati na sa namumuong relasyon nina Grace Lee at Pangulong Noynoy Aquino. Ayon kay Liz, na minsan nang naka-date ng Pangulo, "Sana i-forgive niyo na lang ako because I really don't wanna say anything kasi hindi ko naman business 'yon."

Photo By: GA Granali













Kahapon, Pebrero 10, ay pormal na pumirma ng management contract sa Viva Entertainment ang celebrity stylist na si Liz Uy.

Ito ay para ma-manage ang kanyang endorsement deals, pati na rin ang kanyang bookings para sa TV guestings at public appearances.

"It's for endorsements, yeah, but kasama na rin po sa contract 'yong mga bookings, like guestings, I guess. But I'm not so sure about showbiz yet," ani Liz sa panayam sa kanya ng entertainment press matapos ang maikling seremonya.

Matagal na umanong naka-plano ang pagpirma ni Liz sa Viva.

Kuwento niya, "Actually, matagal na [ang plano]. They've been helping me since last year and wala lang talagang time to sign a contract.

"Then I met Boss Vic [Del Rosario] no'ng concert ni Anne [Curtis] and then he said, 'Sige, let's go. Let's sign na,' and then I said, 'On my birthday week na lang para it's lucky."

Bukod sa endorsements at guestings, may iba pa bang plano sa kanya ang Viva? May mga nakalinya bang proyekto sa showbiz para sa kanya?

"Projects? Siguro depende. Kung ano na lang siguro 'yong, ano, mapag-usapan. Sobrang unsure pa talaga, saka medyo nahihiya pa rin talaga ako."

Sasabak din ba siya sa hosting gaya ng mga kaibigan niyang sina Raymond Gutierrez, Anne Curtis, Izabelle Daza, at Georgina Wilson?

"Uhm, maybe...sorry, ha. Hindi ko kasi alam talaga 'yong isasagot ko.

"Siguro kung mabilis lang naman, why not? Kung kaya ko naman, why not?"

How about acting? May balak din ba siyang umarte sa teleserye tulad ng nakababatang kapatid niyang si Laureen, na napabilang sa cast ng My Binondo Girl?

"Acting? Actually, I'm not closing naman my doors, but right now, I'm happy with what I do, which is styling, and I'm gonna stick to that no matter what happens.

"For their [Viva] top celebrities, they get me naman [to style] and clients ko rin naman talaga 'yong mga celebrities nila, some of the artists.

"Siguro for now, kasi may mga napirmahan na rin akong mga endorsements—coming up, I can't say what pa right now—but 'yon, do'n muna ako nagfo-focus. I mean, doon muna kami nagtutulungan."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name