Marami ang nagsasabi na ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chairman na si Grace Poe-Llamanzares ay isa sa mga pinakaepektibo na humawak sa nasabing ahensiya ng gobyerno.
Kumakalian nga ay nagpalabas muli ng bagong regulasyon sa telebisyon ang MTRCB, ang SPG or Strong Parental Guidance upang higit na mabantayan daw ang mga palabas na napapanood natin lalo na ng mga kabataan na madalas daw ay sensitibo at nangangailangan ng higit na gabay ng mga magulang.
Sa presscon ng MTRCB, February 9, sa 4th floor ng kanilang opisina sa Quezon City, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ms. Grace kung bakit sila nagdesisyon na isakatuparan ang SPG?
"Kasi napapansin natin sa telebisyon ngayon, halos lahat na lang PG, pero ang intensity iba.
"May mga ibang shows na Parental Guidance pero very mild, so yung sinasabi nating intermediate PG, yung medyo violent ng kaunti, yun ang SPG.
"Pero hindi porke't na-SPG, hindi nang magandang palabas.
"Marami diyan intense, kaya nagiging SPG, pero mayroong literary values or redemption values.
"Kailangang maging strict ang mom and dad na kasama sila kapag manonood ang mga anak para mabigyan nila ito ng guidance."
Present sa presscon ang lahat ng mga representatives mula sa iba't-ibang istasyon.
Para sa MTRCB Chairman, ito ay hamon sa mga network na ipakita na may malasakit sila sa kapakanan ng publiko.
"Patunayan nila na mayroon silang malasakit sa mga manonoood, patunayan nila na naniniwala sila sa self-regulation.
"Ang daan para magkaroon ng self-regulation ay ang tama at appropriate na classification.
"Naka-usap na natin yung network ng ilang beses, at tanggap naman nila na talagang napapanahon na magkaroon ng stronger parental guidance classification," sabi ni Ms. Grace.
INFOMERCIAL ON SPG. "Mayroon din tayong infomercial tungkol sa SPG rating.
"Di ka puwedeng magbigay ng bagong regulasyon na walang information campaign.




0

