For Jennica Garcia, it's career first before love life

Ruel J. Mendoza
Sunday, February 12, 2012 @ 05:04PM  |  6552 views

Natawa na lang si Jennica Garcia nang makarating sa kanya ang usap-usapan na mas importante raw sa kanya ang pag-ibig kesa sa trabaho.

"Hindi  naman po totoo 'yan. Wala po akong tinatanggihan na trabaho...Bakit naman ako tatanggi sa trabaho, e gusto ko nga mag-work para makapag-ipon ako," she says.

 

 

Photo By: Courtesy of GMA-7













Itinanggi ni Jennica Garcia na marami siyang trabahong inaayawan dahil mas inuuna raw niya ang kanyang personal na buhay.

Natawa na lang si Jennica nang makarating sa kanya ang usap-usapan na mas importante raw sa kanya ang pag-ibig kesa sa trabaho.

"Hindi  naman po totoo 'yan. Wala po akong tinatanggihan na trabaho," mabilis na sagot ni Jennica sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng My Beloved sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

"Matagal na nga po yung huling regular show ko na Bantatay. After kasi no'n wala pang maibigay na magandang project na babagay sa akin ang GMA-7.

"Kaya puro guesting lang ako muna. Yung huling guesting ko nga was Captain Barbell pa.

"Lagi naman kaming nagtatanong kung ano ba ang next project? Gustung-gusto ko nga pong mag-work na.

 "Bakit naman ako tatanggi sa trabaho, e gusto ko nga mag-work para makapag-ipon ako.

 "Kaya noong ibigay sa akin ang role dito sa My Beloved, natuwa naman ako kasi makakapag-taping na ulit ako.

"Actually, nag-re-tape kami ng mga nakunan na naming mga eksena kasi nga pinalitan si Rhian [Ramos] ni Ate Marian [Rivera]."

Hindi raw gagawin ni Jennica na unahin ang pag-ibig at ipagpaliban ang kanyang career.

ON ALWYN UYTINGCO. Nag-deny ang aktres sa balitang nagbababad daw siya sa taping ng boyfriend niyang si Alwyn Uytingco at todo-bantay daw ito.

 "Saan naman nila nakuha ang balitang 'yan?" sabay tawa ni Jennica.

"Never akong pumupunta sa taping ni Alwyn.

"Kung may nakakita man sa akin doon, siguro may dinaan lang ako sa kanya. Pero umalis ako kaagad kasi alam ko na may trabaho siya.

"Hindi ko naman iwe-waste ang oras ko para magbantay sa kanya. Ano ako, P.A. [personal assistnant] niya?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name