Bianca King says she has introduced rumored boyfriend Dennis Trillo to her mom and lola: " Wala namang problema."

Ruben Marasigan
Sunday, February 12, 2012 @ 11:27PM  |  18551 views

Bianca King talks about her role in Broken Vow, GMA-7's new teleserye.

"'Yong character ko ay nagdaan sa isang napakatinding trauma bilang isang babaeng inabuso, physically and sexually," she says.

Photo By: Monching Jaramillo













Excited si Bianca King sa simula ng pag-ere ng Broken Vow, ang pinakabagong seryeng pinagbibidahan niya sa GMA-7. 

Bago ito, nakapag-portray na siya ng lead role sa Sinner Or Saint.

"Sa Sinner Or Saint kasi, medyo the usual melo-drama siya tungkol sa mahirap na inaapi," ang sabi ni Bianca nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Dito naman sa Broken Vow, 'yong character ko ay nagdaan sa isang napakatinding trauma bilang isang babaeng inabuso, physically and sexually.

"So...mabigat siya para sa akin. Pinilit ko ang sarili ko mag-relate do'n. 

"Nararamdaman ko minsan 'yong pagka-aloof na...parang ayokong nahahawakan, ayokong nakakausap masyado.

"Pero in between takes lang naman iyon.  Hindi sa totoong buhay.

"Wala naman akong apprehension about it.  Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin 'yong project.

"Natuwa nga ako no'ng ibinigay sa akin ito.  Hindi nga ako makapaniwala na [binigay sa akin] 'yong ganito kahirap na role na usually aayawan ng ibang artista dahil nga may rape scene.

"At 'yong pagkaka-shoot namin ng eksenang iyon ay mukhang totoo talaga. Hindi siya mukhang daya lang.

"Tapos, aside from that, i-age pa ako ng six years. 

"Magiging nanay ako ng isang batang five years old.  Ayaw ng ibang [artista] my age na mag-mother role, di  ba?

"Pero para sa akin, malaking challenge yun—ang maging 25 years old na single na babae na walang anak at i-convince 'yong viewers sa gano'ng character na ipinu-portray ko," sabi ni Bianca.

Marami rin daw eksenang pisikal at nagkakapasa-pasa siya habang kinukunan ang mga ito.

"Nagkasugat-sugat din ako.  Tapos may mga insect bites pa ako sa buong katawan na nangitim talaga. 

1  2  3  Next »

Related Articles

24 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name