Annabelle Rama on being accused as a stage mother: "Hindi ako stage mother. Dedma lang ako. Naiinggit lang yun [nagsasabi nun], 'day. Yung pagiging stage mother, yung nakikialam nang nakikialam maski wala namang dapat pakialaman. Hindi ako ganyan."

Photo: Noel Orsal

Matitindi ang mga binitiwang salita at patutsada ni Annabelle Rama laban kina Heart Evangelista at Nadia Montenegro nang mapag-usapan ang pagiging talent manager niya.

Ito ay naganap sa panayam sa Gutierrez matriarch ni Janice de Belen sa Showbiz Inside Report, noong Sabado, Pebrero 11.

Nagpapakita kasi ng mga larawan si Janice ng mga present and past talents ni Annabelle—at kabilang nga roon si Heart.

Sumambulat ang awayan nina Heart at Annabelle noong last quarter ng taong 2010, nang tawagin ni Annabelle si Heart na "ingrata, walang utang na loob, at malalaos din."

(CLICK HERE to read related story.)

Nag-ugat ito sa hindi pagkakasundo ni Annabelle at ni Mrs. Cecile Ongpauco, ang mommy ni Heart.

Hindi na kasi nag-renew ng co-managerial contract ang kampo ni Heart kahit na 2011 pa dapat matatapos ang contract nila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang dalawang kampo at mararamdaman sa mga salita ni Annabelle ang galit niya kay Heart at sa mommy nito.

Ayon kay Annabelle, "Ginamit lang ako ni Heart. Ginamit ako ng nanay niya.

"Ikaw Baby, ginamit mo ako. Makakarma rin kayo, 'Day! Makakarma ka rin, Heart!"

NADIA MONTENEGRO. Kasama rin sa mga larawang ipinakita ni Janice ang larawan ni Nadia dahil talents ni Annabelle ang tatlong anak ni Nadia na sina Ynna, Alynna, at Annyka Asistio.

Nagsimula ang gulo sa pagitan nina Nadia at Annabelle nang magsampa ng demanda ang una laban sa huli para sa kasong "child abuse."

Ito ay dahil sa umano'y hindi pagiging mabuting manager ni Annabelle, lalo na sa mga menor de edad na anak niyang sina Alynna at Annyka.

Tanong ni Janice kay Annabelle: Were you and Nadia ever friends?